Matinding init balik na sa Texas matapos manalasa ng Hurricane Beryl

Residents assess a fallen tree in their in their neighborhood after Hurricane Beryl swept through the area on July 8, 2024 in Houston, Texas / Getty Images via AFP - BRANDON BELL

Ramdam nang muli ang matinding init sa Texas halos wala pang dalawang araw makaraang mawalan ng kuryente ang milyong katao doon dahil sa pananalasa ng Hurricane Beryl, kaya naging mas mahirap ang recovery process.

Samantala, kumikilos na ng pa-hilaga ang dulo ng bagyo at nag-iiwan ng baha at ulan sa landas nito.

Ang pagbabalik ng nakapapasong init sa Houston ay lalong nagpatindi sa hirap ng milyong katao na wala pa ring suplay ng kuryente, makaraang manalasa ng Hurricane Beryl sa Texas.

Maging ang mga ospital ay apektado na rin. Halos 36 na oras makalipas maglandfall ni Beryl, sinabi ng lieutenant governor ng Texas na gagamitin na ang isang sports and event complex para sa 250 mga pasyente na naghihintay na ma-discharge pero hindi pa mapauwi sa kanilang tahanan dahil sa kawalan ng kuryente.

Ang mataas na temperatura sa Houston nitong Martes ay bumalik sa mahigit sa 32.2 Celsius, at ang humidity ay nakaragdag pa para maging mas mainit ang pakiramdam.

Ayon sa National Weather Service (NHS), “The conditions are potentially dangerous given the lack of power and air conditioning.”

Ang Hurricane Beryl, na naglandfall noong Lunes bilang isang Category 1 hurricane, ang sinisisi para sa hindi bababa sa pitong pagkamatay sa US. Isa sa Louisiana at anim sa Texas, gayundin ang hindi bababa sa 11 sa Caribbean.

Halos dalawang milyong mga tahanan at business establishmentts sa paligid ng Houston ang wala pa ring kuryente hanggang nitong Martes, mas mababa na kumpara sa mahigit 2.7 milyon noong Lunes, ayon sa PowerOutage.us.

Para sa marami, tila naulit lamang ang nangyari noong Mayo matapos na mamatay sa bagyo ang walo katao at halos isang milyong katao naman ang nawalan ng suplay ng kuryente sa gitna ng binahang mga kalsada.

Nagkaroon ng napakahabang pila ng sasakyan at mga tao sa mga fast food restaurant, food truck o gas station na mayroong suplay ng kuryente.

Reklamo ng 54-anyos na si Dwight Yell na mayroong kuryente sa kaniyang bahay, pero nagmagandang loob na pakainin sa labas ang isa niyang kapitbahay na may kapansanan, “The city and state officials did not alert residents well enough to a storm initially projected to land much farther down the coast. They didn’t give us enough warning, where maybe we could go get gas or prepare to go out of town if the lights go out.”

Nagagalit naman si Robin Taylor, na sa hotel na nakatira mula nang wasakin ng mga bagyo noong Mayo ang kaniyang bahay, dahil binaha naman ang hotel na kaniyang tinutuluyan nang manalasa ang Hurricane Beryl.

Aniya, “Houston didn’t appear prepared to handle the Category 1 storm after it had weathered much stronger ones in the past. No WiFi, no power, and it’s hot outside. That’s dangerous for people. That’s really the big issue. People will die in this heat in their homes.”

Binigyang-diin ni Nim Kidd, pinuno ng division of emergency management ng estado, na prayoridad nila ang pagpapabalik sa suplay ng kuryente.

Sinabi ng CenterPoint Energy sa Houston, na plano nitong ibalik ang kuryente sa isang milyon nilang customers ngayong Miyerkoles.

Ayon kay Texas Lt. Gov. Dan Patrick, na nagsisilbing acting governor habang nasa ibang bansa si Gov. Greg Abbot, na ang nursing homes at assisted living centers ang pinaka-prayoridad.

Labing-anim na mga pagamutan ang tumatakbo lang sa pamamagitan ng generator power, ayon sa Federal Emergency Management Agency.

Hinimok ni Patrick ang power utilities na agad ibalik ang suplay ng kuryente, at idinagdag na magsasagawa siya ng ebalwasyon kung ginawa ng mga ito ang nararapat na mga hakbang bago dumating ang bagyo.

Ipinagtanggol naman ng isang executive para sa CenterPoint Energy, ang ginawa nilang paghahanda at pagtugon.

Sinabi ni Brad Tutunjian, vice president ng regulatory policy sa CenterPoint Energy, “From my perspective to have a storm pass at 3 p.m. in the afternoon, have those crews come in in the late evening, and have everything ready by 5 a.m. to go out and get out and start the workforce is rather impressive because we’re talking about thousands of crews.”

Nitong Martes ng hapon ay nagpalabas si Louisiana Gov. Jeff Landry ng isang state of emergency sa ilang bahagi ng estado, makaraang bumagsak ang mga puno, masira ang mga bahay at mawalan ng kuryente ang libu-libong katao.

Nang maglandfall ang Hurricane Beryl, hindi na ito gaanong malakas kaysa Category 5 na bumayo sa ilang bahagi ng Mexico at Caribbean.

Ang Hurricane Beryl ang pinakamaagang bagyo na nabuo bilang Category 5 sa Atlantiko. Sa Jamaica, sinabi ng mga opisyal na kailangang makuntento ng mga residente sa isla sa kakulangan sa pagkain makaraang sirain ng bagyo ang mahigit sa $6.4 million mga pananim at supporting infrastructure.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *