Nepal nakakuha pa ng mga bangkay mula sa bus na tinangay ng landslide
Nakarekober ng dagdag pang mga bangkay ang Nepali search teams, mula sa halos 50 nawawalang mga pasahero makaraang tangayin ng isang landslide bunga ng malalakas na mga pag-ulan, ang dalawang bus patungo sa rumaragasaat umapaw nang ilog.
Sinabi ni Kumar Neupane, tagapagsalita para sa armed police unit ng Nepal, na mahigit sa 300 officers, kabilang ang mga diver, ang gumalugad sa ilog para hanapin ang nawawalang mga pasahero, pati na ang dalawang bus mismo.
Ang ibang mga team naman na lulan ng mga bangka ay gumagamit ng sensor equipment para maghanap sa maputik na tubig.
Dahil sa lakas ng puwersa ng pagguho ng lupa noong Biyernes sa gitnang distrito ng Chitwan, ang dalawang bus ay naitulak patungo sa mga concrete crash barrier at pababa sa isang matarik na pilapil, hindi bababa sa 30 metro (100 talampakan) mula sa kalsada.
Sinabi ni police spokesman Dan Bahadur Karki, “One body has been found about 25 kilometers (15 miles) from the accident site. In total, five bodies have been retrieved, one was an Indian citizen.”
Ayon sa District official na si Khimananda Bhusal, “Roughly 50 people were swept away on the buses, revising down the number from the 63 initially reported by authorities. Fierce currents, made worse by this week’s torrential downpours, have hampered search efforts.”
Sinabi naman ni Chitwan district government chief Indra Dev Yadav, “The water was flowing fast, making it difficult for the teams. The river is deep and narrow.”
Rescuers are searching for bodies in Nepal after a landslide triggered by heavy monsoon rains swept two buses off a highway and into a river/RAJESH GHIMIRE / AFP
Ang pagbiyahe sa mga lansangan ay mas delikado sa panahon ng annual monsoon season dahil ang mga pag-ulan ay nagdudulot ng landslides at mga pagbaha sa magkabilang panig ng bansa.
Ang pagbagsak ng ulan ay mahirap tayahin at nagkakaiba-iba, ngunit sinabi ng mga siyentipiko na ang climate change ang sanhi kaya ang monsoon ay higit na nagiging malakas at mabilis magpabago-bago.
Malapit na sa 2,400 katao ang namatay sa mga lansangan ng naturang Himalayan republic sa nagdaang 12 buwan mula Abril, ayon sa data ng gobyerno.