Power transmission services sa Region 3, inaasahang palalakasin ng 500 Kilovolt transmission line sa Bataan
Inaasahang lalakas pa ang power transmission services sa Region 3 dahil sa 500 Kilovolt transmission line sa Bataan.
Pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pagpapasinaya sa Mariveles-Hermosa-San Jose 500 Kilovolt transmission line sa Bataan.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni PBBM na sa oras na maging operational, maging Metro Manila ay inaasahang makikinabang dito.
Kukunekta din ang transmission line sa iba pang proyekto sa Bataan gaya ng Battery Energy Storage System sa Limay na napasinayaan noong nakaraang taon, at sa Bataan-Cavite Interlink Bridge.
Aabot sa P20.94 bilyon ang inilaang pondo rito.
Ang transmission line ay may kabuuang transmission capacity na 8,000 megawatts.
Kumpiyansa ang Pangulo na makatutulong ito para matugunan ang tumataas na energy demand sa bansa at makatulong sa pagbubukas ng mas maraming employment opportunities.
Madz Villar-Moratillo