‘Dr. Fauci’ ng Hong Kong nagbabala sa susunod na pandemya
May babala ang microbiologist ng Hong Kong na si Yuen Kwok-yung, na nakipaglaban na rin sa ilan sa pinakamasamang banta sa mundo, kabilang ang SARS virus na tinulungan niyang ma-isolate at matukoy.
Ayon sa siyentisya, na minsan ay inihahalintulad sa nangungunang eksperto sa kalusugan ng US na si Anthony Fauci, isa pang pandemya ang hindi maiiwasan at maaaring magdulot ng pinsalang mas malala pa kaysa Covid-19.
Sinabi ni Yuen na nagtatrabaho at nagtuturo sa Queen Mary Hospital sa Hong Kong, “Both the public and (world) leaders must admit that another pandemic will come, and probably sooner than you anticipate.”
Aniya, “Why I make such a horrifying prediction is because you can see clearly that the geopolitical, economic, and climatic changes are changing so rapidly.”
Sa kaniyang bagong autobiography na pinamagatang “My Life in Medicine: A Hong Kong Journey,” ay sinabi nito, “Politicians must ‘come to their senses’ and solve ‘global existential’ threats.”
Habang ang mga pinuno ng mundo ay mas nakatuon sa “pambansa o rehiyonal na interes,” sinabi ni Yuen na ang mabilis na pagbabago ng klima kasama ng mga umuusbong na nakahahawang sakit ay dapat na maging isang pangunahing prayoridad.
Paliwanag niya, “This is something so important that we should not ignore.”
Si Yuen ay isang kinikilalang awtoridad sa buong mundo sa mga coronavirus at mga nakahahawang sakit.
Isinilang sa Hong Kong sa huling bahagi ng 1950s, lumaki siya sa isang 60-square-foot subdivided flat kasama ng kaniyang mga magulang at tatlong kapatid na lalaki.
Simula nang magtapos sa medical school noong 1981, nagtrabaho na siya sa mga pampublikong ospital sa lungspd, kung saan mas mababa ang suweldo ng mga doktor kumpara sa mga nasa pribadong sektor.
Nakilala siya noong 2003, matapos na matagumpay na ma-isolate at matukoy niya at ng kaniyang team, ang severe acute respiratory syndrome, na mas kilala bilang SARS.
Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagsusuri, pag-diagnose at gamutan ng naturang sakit, na lumitaw sa timog China at Hong Kong bago kumalat sa buong mundo.
Ang SARS ay pumatay ng halos 300 katao sa siyudad sa loob lang ng dalawang buwan, bilang na pumapangalawa sa mainland China.
Ang karanasang iyon ang nagturo para sa diskarte ni Yuen sa pandemya ng Covid-19, na sumabog sa Hong Kong dahil sa kakulangan sa pagbabakuna, lalo na sa mga matatanda.
Sinabi niya sa kaniyang libro, “We benefited from the 20 years of study that followed the SARS outbreak. Until factors beyond our ability to stop or overcome — fear, ignorance, poor messaging, and deliberate misinformation — the measures were effective ‘in buying Hong Kong time’ until the vaccines were developed.”
Sa huli, sa kabila ng mahigpit na mga hakbang sa pag-lockdown at mahabang quarantine, naitala ng Hong Kong ang mga tatlong milyong impeksyon – halos kalahati ng populasyon nito – at higit sa 13,800 pagkamatay mula sa Covid-19.
Ang panahong iyon ay tila naging isang nakatutuwang pangyayari para kay Yuen, na naging pamilyar ang mukha bilang “go-to expert” ng gobyerno. Nagsulat siya ng higit sa 100 peer-reviewed studies tungkol sa Covid-19.
Nalagay din siya sa isang maselang posisyon sa ilang mga pagkakataon, gaya noong tanggihan ang kanyang panawagan na alisin na ang mga paghihigpit noong 2022, nang manatiling sumusunod ang Hong Kong sa zero-Covid doctrine ng China na isara ang mga hangganan at pag-iral ng quarantines.
Ang self-described medical “detective” ay naharap din sa mga reklamo na nagsapanganib pa sa kaniyang lisensiya, makaraan niyang ilarawan ang seafood market ng Wuhan sa China kung saan na-detect ang unang cluster ng coronavirus, bilang isang “crime scene.”
Ngayon, maingat nang pinipili ni Yuen ang kaniyang mga salita at iniiwasan ang political subjects, ngunit naninindigan na ang pagka-unawa sa origins ng Covid-19 ang susi.
Aniya, “ It is ‘important to properly do an investigation in a very open, transparent manner’ so lessons can be learned for future pandemic prevention.”
Nanawagan ang World Health Organization sa China na mas maging transparent tungkol sa origins ng pandemic, nang hindi babanggit ng anumang matibay na konklusyon sa pinagmulan nito.
Noong isang taon, binuo ni Yuen ang Pandemic Research Alliance kasama ng kanilang counterpart sa mainland China at Estados Unidos, upang magbahagi ng impormasyon at pananaliksik tungkol sa mga banta sa hinaharap.
Sinabi niya, “It is a bad idea to stop or inhibit these exchanges because it protects everyone. If we do not talk about it… then another pandemic comes, and we have to pay a huge price again.”