Asian markets bumagsak habang si Biden ay umatras sa White House race
Bumagsak ang mga merkado sa Asya ngayong Lunes, kung saan ang desisyon ni Joe Biden na umatras sa pagtakbo sa pagkapangulo ng Estados Unidos ay nagdulot ng panibagong kawalang-katiyakan, habang ang mga mangangalakal naman ay tila hindi natinag sa desisyon ng China na bawasan ang mga rate ng interes sa isang pagtatangkang palakasin ang bumabagsak na ekonomiya.
Matapos ang tangkang asasinasyon kay Donald Trump nitong Linggo, at ang sumunod na Republican convention ay nagpalakas sa mga pagtaya na mananalo siya sa halalan sa Nobyembre, sinikap ng mga mamumuhunan na alamin ang mga epekto ng mga balita sa labas ng White House.
Nitong Linggo, sumuko na si Biden sa ilang linggo nang mga panawagan sa kaniya na umatras na sa harap ng hindi magandang debate performance, na nagbunga ng mas marami pang mga katanungan tungkol sa kaniyang kalusugan, at inendorso si Vice President Kamala Harris upang siyang pumalit sa kaniya.
Ang balitang ito ay naging sanhi upang kuwestiyunin ng mga mangangalakal kung sino ang makaka-head-to-head ni Trump, na ang inaasahang tagumpay ay nagpataas sa equities at dolyar sa mga inaasahan para sa tax cuts at deregulation.
Sinabi ng mga analyst, na ang mga merkado ay malamang na magpabago-bago.
Ayon kay Ray Attril ng National Australia Bank, “While market instinct will be to say that the news adds a degree of uncertainty to the outcome of the 5 November election that wasn’t present last week, it will be many weeks… before anyone can reasonably determine if the race for the White House is significantly narrower than looked to be case previously.”
Aniya, “In short, there’ll be more noise than signal on US politics for markets to contend with in the coming few weeks at least.”
Bumagsak ang mga stock sa Asia ngayong Lunes kasunod nang mga pagkalugi sa Wall Street at Europe, kung saan ang kalakalan ay dinomina ng nangyaring global computer systems outage na resulta ng maling pag-update sa isang antivirus program, na nakaapekto sa mga paliparan, airline, tren, bangko, tindahan at maging ang doctor’s appointments.
Ang Tokyo, Hong Kong, Shanghai, Sydney, Seoul, Singapore, Taipei at Maynila ay pawang bumagsak, bagama’t tumaas naman ang Jakarta at Wellington.
Ang latest developments sa labas ng Washington ay lumambong sa pag-asang ang Federal Reserve ay magbabawas ng mga rate ng interes na sing aga ng Setyembre at posibleng maulit sa Enero.
Kakaunti ang naging reaksiyon sa mga balita na ang central bank ng China ay nagbawas ng borrowing costs, habang ang mga lider ay nagtatangkang simulan nang palakasin ang number two economy ng mundo, na pinukpok ng matitinding property crisis at mahinang consumer demand.
Binabaan ng Bank of China ang one-year at five-year loan prime rates, sa pagsisikap na himukin ang commercial banks na magkaloob ng dagdag na credit.
Ang desisyon ay nabuo pagkatapos ng isang mahigpit na binantayang pagpupulong noong nakaraang linggo ng mga lider, na natapos na may ilang mga pangunahing anunsyo na nangangako upang harapin ang “mga panganib” sa ekonomiya.
Gayunpaman, nangako ang mga opisyal noong Biyernes na tutulong sa pagpapagaan ng presyon sa utang sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga reporma sa sistema ng buwis.
Ang mga alalahanin tungkol sa pananalapi ng lokal na pamahalaan ay lumalaki sa loob ng maraming taon at pinalala ng isang talamak na krisis sa utang sa real estate at noong Abril ay ibinaba ng Fitch rating agency ang pananaw nito sa sovereign credit ng China.