Pasok sa lahat ng mga hukuman sa NCR at iba pang lugar, suspendido
Walang pasok ang mga hukuman sa Metro Manila at iba pang lugar ngayong Miyerkules dahil sa malakas na pag-ulan at mga pagbaha dulot ng habagat at bagyo.
Batay ito sa mga abiso na inilabas ng Korte Suprema.
Bukod sa mga korte sa NCR, suspendido rin ang pasok sa mga korte sa Rizal partikular sa mga regional trial court, family court municipal trial court in cities, municipal trial court sa Antipolo, Cainta at Taytay.
Suspendido rin ang lahat ng mga hukuman sa Bataan at sa Batanes.
Samantala, nag-abiso rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) na suspendido rin ang passport at authentication services sa DFA- ASEANA, DFA consular offices at temporary-offsite passport services sa NCR dahil sa masamang panahon.
Pinayuhan ang mga passport applicant na may kumpirmadong appointment ngayong July 24 sa DFA ASEANA at consular offices sa NCR na ia-accomodate sila mula July 25 hanggang August 23.
Moira Encina