F. Manalo Bridge sa Pasig hindi puwedeng daanan ng mga motorista matapos mapinsala ng mga sumalpok na barge
Nasira at nagkabitak bitak ang ilang bahagi ng F. Manalo Bridge sa Lungsod ng Pasig, makaraang salpukin ng mga inanod na barge kahapon dala ng masamang panahon.
Dahil dito, pansamantalang isinara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Pasig LGU ang tulay para bigyang daan ang assessment at pagkukumpuni rito.
Nagsagawa na ang mga tauhan ng DPWH ng visualization sa mga sira ng tulay.
Sinabi ni DPWH-UPMO-FCMC Project Manager, Engr. Grecile Christian Damo, “Yung isang sira ung mga girdle kung saan sumalpok ung mga nakaangat o medyonmataas na part ng barge natin then ung sa approach medyo umangat din kasi during time n humarang barge ung part ng tubig ung flow nadivert po dito kaya medyo nagkaroon ng uka eventually baka nacompromise enbankmnet .”
Ayon kay Damo, maaaring sa susunod na linggo pa nila masimulan ang kumpletong assessment sa structural integrity ng tulay dahil mataas pa ang lebel ng tubig at malakas pa ang agos ng tubig sa lugar.
Aniya, “We need to assess the integrity of the whole bridge itself kung ilang girdle po ang nadamage kung gaano karami and kung still under repairable or for retrofit kung kaya pa..kung makita natin maassess natin na di talaga siya magamit then we have to do ung original plan namin na irehabilitate sya redesign rehabilitate.”
Sinabi ni Damo na mababa talaga ang freeboard ng tulay at tumaas naman ang tubig kahapon kaya bumangga ang mga lantsa sa istruktura.
Sabi pa ng opisyal, “Sa pagkakaalam ko mga 1980s, 90s pa tulay na to matagal na kaya ung design ung freeboard na tinatawag natin ay mababa dapat ung barge automatic na lulusot sa ilalim ng bridge pero kung mapapansin nyo hindi gaano kataas kaya tinamaan.”
Samantala, hindi pa masabi ni Damo kung hanggang kailan tatagal ang pagsasara ng tulay dahil depende ito sa laki ng pinsala at sa anong uri ng pagkukumpuni ang gagawin sa F. Manalo Bridge.
Aminado ang opisyal na makaaapekto sa daloy ng trapiko sa ang pagsasara nito.
“Yung F. Manalo ay major thoroughfare ng mga galing C5 going to Pasig to Marikina to Cainta or Libis, isa itong malapit na area sa probinsiya ng Cainta at vice versa,” pahayag pa ni Damo.
Moira Encina-Cruz