OSG walang impormasyon ukol sa ICC request na ilagay sa blue notice ng Interpol sina Sen Bato Dela Rosa
Walang natatanggap na impormasyon si Solicitor General Menardo Guevarra ukol sa sinasabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na kahilingan ng International Criminal Court (ICC) prosecutors, na ilagay sa blue notice ng Interpol si Senador Ronald Dela Rosa at apat na iba pang dating opisyal ng PNP kaugnay sa drug war probe.
Sa panayam ng programang Ano Sa Palagay Nyo (ASPN) nitong Huwebes, sinabi ni Guevarra na walang opisyal na koneksyon si Trillanes sa ICC kaya maaaring nakuha niya ang impormasyon sa mga tao na nagtatrabaho sa ICC.
Ayon kay Guevarra, “Unang una wala kaming personal knowledge na meron inisyu ang ICC na blue notice, wala naman kaming natatanggap na any official communication either regarding that.So kamukha nyun nakita lang namin yan sa balita.”
Minaliit lang din ni Guevarra ang sinasabing blue notice na maihahalintulad lang sa immigration lookout bulletin order para i-alerto ang mga awtoridad.
Iginiit pa ni Guevarra na hindi puwedeng arestuhin ang nasa blue notice ng Interpol.
Sinabi ni Guevarra, “Palagay ko hindi ganun katindi ang effect nyang blue notice. it’s really mroe to fidn out the lcoation of a certain perosn. but to detain him, i think unwarranted yun. “
Dagdag pa niya, maaaring kuwestiyunin ng ICC ang mga premature na pahayag ni Trillanes kung may nalalabag ito na protocol ng ICC.
Ayon pa sa opisyal, “From our point of view, wala naman. pero baka yung ICC ang dapat na kumwestyon sa kanya. Hindi naman crime yun pero kung bina-violate nya ay ang certain protocols within the ICC, eh yung ICC ang dapat kumilos nun hindi tayo.”
Moira Encina-Cruz