Foreign Affairs Sec. Manalo bumisita sa Mongolia
Nagtungo sa Mongolia si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para sa official visit doon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang biyahe ang unang bilateral official visit ng isang foreign affairs secretary sa Mongolia, at parte ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Mongolia.
Nakipagpulong si Secretary Manalo kina Prime Minister Luvsannamsrai Oyun-Erdene, Deputy Prime Minister Sainbuyan Amarsaikhan, at Foreign Minister Battsetseg Batmunkh.
Sa pagharap ng kalihim sa mga opisyal ng Mongolia, muli nitong pinagtibay ang commitment ng Pilipinas para mapalakas ang bilateral relations sa Mongolia.
Sinabi pa ni Manalo, na ang independent foreign policy ng Pilipinas ay halos pareho ng Third Neighbor Policy ng Mongolia.
Samantala, lumagda rin ng memorandum of understanding (MOU) para sa kooperasyon sa pagitan ng DFA at Mongolian Ministry of Foreign Affairs, at MOU sa pagitan ng Philippine Sports Commission at Mongolian Ministry of Education, Culture, Sports, and Youth para sa sports cooperation.
Nagkasundo rin ang dalawang bansa na magtulungan sa larangan ng disaster reduction at mitigation, public health, English language training, at regional development policies.
Moira Encina-Cruz