Korean na nag-ooperate ng illegal video streaming arestado ng BI
Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na wanted sa kaniyang bansa dahil sa paglabag sa batas patungkol sa copyright.
Ayon kay Immigration Commisioner Norman Tansingco, ang 55-anyos na si Kim Jongsik ay may warrant of arrest mula sa Busan District Court na inisyu noon pang October 2022, dahil sa paglabag sa Copyright Act ng Korea.
May red notice na rin umano kay Kim ang INTERPOL.
Ilegal umanong nag-ooperate ng Korean-language streaming service sa Pilipina si Kim mula noong 2013, kung saan nag-aalok ito ng mga pelikulang Korean at iba pang entertainment show nang walang pahintulot.
Ang mga sunscriber sa illegal streaming platform ay sinisingil umano ng apat an libong piso kada tatlong buwan.
Nakaditini na si Kim sa BI detention facility sa Taguig, at inilagay na rin ito sa immigration blacklist.
Mdelyn Villar-Moratillo