Calatagan, Batangas,isinailalim sa State of Calamity dahil sa epekto ng ASF
Isinailalim na sa State of Calamity ang Calatagan,Batangas dahil sa pagtaas ng mga kaso ng African Swine Fever.
Ayon kay Dan Paul Badong, Municipal Information Officer ng calatagan, makatutulong ang deklarasyon upang makapagpalabas ng pondo na kakailanganin ng mga apektadong local hog raisers kasunod ng outbreak.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng blood sampling sa mga alagang baboy ang lokal na pamahalaan upang tuluyang ma-assess ang sitwasyon.
Samantala, ang bayan ng Lian ay ikinokonsidera ring magdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng ASF.
Sinabi ni Patricio delos Reyes Jr., Local Disaster Risk Reduction Management Officer, bagamat dalawang barangay pa lamang sa kanila ang apektado, malaki na rin aniya ang sakop ng infestation at kailangan na rin nila ng suporta mula sa Provincial Government.
Samantala, ipinahayag naman ng Batangas Office of the Provincial Veterinarian na pitong bayan na sa batangas ang apektado ng ASF at ito ay ang mga sumusunod:
Samantala, apektado na rin ngayon ng ASF outbreak ang mga pork vendor sa lalawigan.
Ayon sa ilang pork vendor, halos tatlong linggo na silang hindi nakapagtitinda ng karneng baboy dahil sobrang tumal at walang bumibili.