Nakatanggap ng medal at cash ang Pinoy Athletes mula sa Kamara
Ginawaran ng Kamara ng Congressional Medal of Distinction ang Presentation of Adopted Resolutions at cash gifts, ang 22 atletang Pilipino na lumahok sa 2024 Paris Olympics sa France.
Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez kasama ang ilang mambabatas ang pagtanggap kina Olympic double Gold medalist Carlos Yulo ng gymnastics, Bronze Medalists Aira Villages at Nesthy Petecio ng boxing at iba pang atleta.
Sa pamamagitan ng House Resolution 1864, iginawad kay Yulo ang Congressional Medal of Excellence, ang pinakamataas na award na ibinibigay sa Pinoy achievers sa sports, business, medicine, science, at arts and culture.
Ginawaran din ng Congressional Medal of Distinction sina Petecio at Villegas, na nanalo ng Bronze medal sa boxing competition.
Ibinigay din ni Romualdez ang tig 1 million pesos kina Petecio at Villegas at cash incentives sa iba pang atleta.
Kasabay nito ay tiniyak ni Romualdez na magpapatibay ang kongreso ng batas para sa kapakanan ng mga atletang pinoy.
Pinasalamatan naman ni Yulo ang liderato ng Kamara sa pagkilala sa mga atleta, na nakipagtagisan ng lakas sa katatapos na summer olympic sa Paris, France.
Vic Somintac