Meat inspection sites inilagay sa iba’t-ibang lugar sa Luzon kontra ASF
Nagtatag ng meat inspection sites sa iba’t-ibang lugar sa luzon ang mga awtoridad upang mapigilan nag pagkalat ng African Swine Fever.
Walong sites ang itinayo sa Quezon city, Valenzuela, Batangas, Laguna at Cavite kasabay ng paglalagay din ng checkpoints na bukas 24/7.
Sinabi ni Arvin Condenuevo, Meat inspector sa QC Veterinary Office na sisiyasatin nilang mabuti ang mga dokumento ng mga dumarating na closed van upang masiguro na lehitimo ang slaughterhouses at closed storage.
Sakaling walang maiprisintang permit, awtomatikong kukumpiskahin ang mga karga nitong produkto.
Una nang ipinahayag ng Department of Agriculture na hindi na kailangan pang magdeklara ng State of Calamity sa bansa dahil sa pagsirit ng mga kaso ng ASF.