5 suspek sa Lopez-Cohen slay, sinampahan ng kasong murder sa DOJ
Kinasuhan na ng murder sa Department of Justice (DOJ) ng PNP- CIDG ang limang suspek sa pagpaslang sa Pinay beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at sa Israeli boyfriend nito na si Yitzhak Cohen.
Matatandang natagpuan ang mga bangkay ng magkasintahan sa quarry site sa Capas, Tarlac noong Hulyo makaraang mapaulat na nawawala.
Ayon kay PNP CIDG Legal Division Chief Police Colones Thomas Valmonte, dalawang counts ng reklamong murder laban sa mga suspek ang inihain nila.
Nagsabwatan aniya ang mga suspek para patayin sina Lopez at Cohen.
Kinumpirma ng opisyal na dalawa sa mga suspek ay dating pulis.
Una nang tinukoy ng PNP ang mga dating pulis na sina Michael Angelo Guiang at Rommel Abuzo na mga suspek sa pagpaslang sa mga biktima.
Ang isyu sa sinanglang lupa sa mga biktima ang nakita ng CIDG na motibo sa krimen.
Iniharap din ng CIDG sa DOJ ang testigo na nagturo sa lugar kung saan inilibing ang mga biktima.
Kasama rin ng CIDG na naghain ng reklamo sa DOJ ang kapatid ni Geneva na si Joni Lopez.
Umaasa si Joni na maparusahan lahat ang may kinalaman sa pagpaslang sa kapatid at kay Cohen.
Moira Cruz