Piloto patay nang bumagsak ang sinasakyang eroplano sa isang French airshow
Natagpuan na ang katawan ng pilotong namatay nang bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano sa Mediterranean Sea sa baybayin ng Lavadou, southern France sa gitna ng isang airshow.
Ang airshow ay bahagi ng pagdiriwang ng 80th anniversary ng D-Day landings ng allied forces sa Provence.
Sa isang pahayag ay sinabi ng French Air Force, na ang bumagsak na aircraft ay isang Fouga Magister na pag-aari ng isang asosasyon at hindi bahagi ng “Patrouille de France” aerobatics team ng air force.
A Fouga Magister jet crushes into the Mediterranean Sea during an airshow in Le Lavandou, southern France, August 16, 2024, in this still image obtained from social media video. ANTONIO DELAVEGA/via REUTERS
Sa isa namang bukod na pahayag, ay sinabi ng air force na kinansela na ng “Patrouille de France” ang aerial presentation nito, kasunod ng nasabing aksidente.
Ayon sa pahayag, “The pilots and the entire Air Force community would like to express their solidarity at this difficult time.”
Nangyari ang aksidente dalawang araw makalipas na magbanggaan sa eastern France ang dalawang French military jets, na ikinamatay ng dalawang military personnel at isa naman ang nakaligtas.