DOH kinumpirma na may natukoy na bagong kaso ng Mpox sa bansa
Kinumpirma ni Health Secretary Ted Herbosa na may natukoy na bagong kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Ang bagong kaso na ito ay isang 33 anyos na pinoy, wala siyang travel history sa labas ng bansa.
Pero nagkaroon siya ng intimate contact tatlong linggo bago lumabas ang sintomas ng sakit.
Kabilang sa nakitang sintomas sa kanya ay rashes sa mukha, likod, batok, trunk, groin, maging kamay at ilalim ng paa.
Ayon kay Herbosa nakita ang pasyente sa isang government hospital at agad siyang kinuhanan ng sample para masuri.
Matapos ang PCR Test sa kanya na ginawa sa RITM ay nagpositibo siya sa mpox.
Nilinaw naman ni Herbosa na hindi dapat maalarma ang publiko dahil wala pang namamatay sa mpox.
Ang kailangan lang aniya ay proper hygiene gaya ng regular na paghuhugas ng kamay.
Madelyn Villar- Moratillo