Pacific leaders ipinagpaliban ang pagbisita sa New Caledonia
Ipinagpaliban muna ng Pacific Islands leaders ang pagbisita sa French territory ng New Caledonia, upang i-assess ang civil unrest sa pagitan ng indigenous Kanaks at French loyalists.
Umaasa ang delegasyon ng tatlong lider na kinabibilangan ni regional bloc chairman at Cook Islands Prime Minister Mark Brown at prime minister ng Fiji, na makakapunta sila sa New Caledonia at sa kanilang pagbabalik ay mag-uulat sa gaganaping Pacific Islands Forum leaders meeting sa susunod na linggo.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Brown, “The visit by the Pacific Islands Forum “Troika” had been requested by New Caledonia President Louis Mapou, and later approved by French President Emmanuel Macron.”
Gayunman aniya, “The New Caledonia Government has identified a number of issues regarding due process and protocol that will need to be addressed prior to a Troika visit.”
Nakasaad pa sa pahayag, “The Pacific Islands Forum needed to ‘resolve the concerns’ of our fellow Forum member.”
Hindi tumugon ang tanggapan ni Mapou, nang hingan ng komento.
Noong Lunes ay binanggit ng Radio New Zealand ang New Caledonia Congress president na si Roch Wamytan, na nagsabing tinatangkang kontrolin ng France ang nasabing pagbisita, na sa paniwala ng lokal na pamahalaan ay sila dapat ang mag-host, dahil miyembro ito ng forum.
Sa kaniya namang tugon sa pamamagitan ng sulat sa social media ay sinabi ng High Commissioner for the Pacific ng France na si Veronique Roger-Lacan, “France is ready anytime to welcome such a mission.”
A policeman waits for the arrival of French President Emmanuel Macron at the central police station in Noumea, France’s Pacific territory of New Caledonia on May 23, 2024. LUDOVIC MARIN/Pool via REUTERS/File Photo
Ang France ay nagpadala ng daan-daang mga pulis sa nabanggit na French territory, pagkatapos pagmulan riots at malawakang pagkagambala noong Mayo ang voting reforms.
Nangangamba ang Kanaks na ang mga reporma ay magpapalabnaw sa kanilang boto at magpapahirap sa alinmang referendum sa hinaharap para maipasa ang pagsasarili o indipendensiya, habang sinasabi ng Paris na ang panukala ay kinakailangan upang ma-improve ang demokrasya sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mas maraming residente mula sa France na makaboto.
Ang protest leader na si Christian Tein ay inaresto at idineport sa France noong June.
Binatikos naman ng Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights ang gobyerno ng France kaugnay ng electoral reforms, at ang ayon dito ay “excessive use of force” bilang tugon sa Kanak demonstrations.
Ayon pa sa high commissioner, “The Kanak people had inhabited New Caledonia for thousands of years, and the latest moves by Paris had undermined the decolonisation process.’“
Hindi naman agad na tumugon ang High Commission in New Caledonia sa France, sa kahilingan na magkomento ito sa pahayag ng UN experts.