40 residente sa Northern Samar, inilikas ng PCG dahil sa matinding baha
Photos: Philippine Coast Guard
Aabot sa 40 residente ang inilikas ng Philippine Coast Guard rescuers kasunod ng pagbaha sa Barangay Sabang II at Barangay Jubasan sa Allen, Northern Samar.
Kaugnay nito, ay 24/7 din ang pagbabantay ng PCG sa operasyon ng mga sasakyang pandagat upang maiwasan ang anumang insidente sa karagatan.
Sa mga oras na ito, nakaantabay ang Deployable Response Group (DRG) at Quick Response Team (QRTs) ng iba’t-ibang Coast Guard Districts, sa pagtulong sa mga ahensyang na nangunguna sa rescue operations at evacuation.
Naghahanda na rin ang mga miyembro ng PCG Auxiliary (PCGA) upang agarang makapamahagi ng relief supplies at iba pang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Base sa pinakahuling ulat ng PCG Command Center kaninang 4:00 ng umaga, umabot na sa mahigit 2,400 pasahero, truck drivers, at cargo helpers ang stranded sa ilang pantalan sa Southern Tagalog, Bicol, at Eastern Visayas.
Aldrin Puno