Pagbagsak ng Asteroid sa bahagi ng Cagayan walang idinulot na panganib – PAGASA
Hindi naging banta partikular sa probinsiya ng Cagayan ang pagbagsak ng Asteriod 2024 RW-1.
Sa panayam ng Radyo Agila kay Mario Raymundo, Chief ng astronomical observation and time service unit ng PAGASA-DOST, nasa isang metro lamang ang sukat ng bumagsak na Asteriod.
Aniya, bumagsak ito sa bahagi ng Cagayan sa pagitan ng alas-dose trenta’y nueve at alas-dose kwarenta ng madaling-araw kanina.
Paliwanag ni Raymundo, dahil sa nangyaring explosion sa high altitude ay posibleng sa himpapawid pa lamang ay nag-evaporate na ito o nalusaw na kaya wala itong idinulot na pinsala.
Sakali namang nagkaroon ng pagsabog ay mayroon pa ring makaka-survive dahil ang lokasyon ng pagbagsak ay sa dulong hilaga ng bansa kaya posibleng mangyari ang pagsabog sa karagatan.
Una nang ipinahayag ng European Space Agency na ang pagbagsak ng Asteriod 2024 RW-1 ay walang panganib dahil sa maliit lamang ito.
Ito na ang pang-siyam na Asteroid na naging visible sa mga tao bago ito bumagsak sa lupa.