Unang araw ng 2024 Bar Examinations umarangkada na
Sinabi ni 2024 Bar Exams Chairperson at Supreme Court Associate Justice Mario Lopez, na mula sa mahigit 12,200 na mga aplikante ay nasa 10,483 examinees lamang ang nagpakita sa unang araw ng pagsusulit.
Mula sa nasabing bilang aniya ay 5,234 ang bagong aplikante, 4,060 ang previous takers, at 1,189 ang refreshers.
Ayon kay Lopez, “At the time when they applied they were still in their fourth year some of them did not make it and did not make it and failure to graduate will disqualify you from the bar examinations so thar is the main reason why thsre is a c9nsiderable numberof examinees who fail.to take bar exam.”
Mas marami naman ang female examinees na nasa 6,000 habang nasa 4,000 ang male examinees.
Ang pinakabatang examinee ay 23 taong gulang habang ang pinakamatanda ay 78 taong gulang.
Isinagawa ang eksaminasyon sa 13 local testing centers sa bansa, kung saan idineploy ang 2,316 court personnel para pangasiwaan at maging maayos ang bar exams.
Gaya sa mga nakaraang pagsusulit ay digitalized at regionalized ang bar exams.
Sinabi ni Lopez na target nila na mailabas ang resulta ng bar exams sa Disyembre, habang ang oathtaking at ang roll signing ay sa Enero 24, 2025.
Tiniyak naman ni Lopez na may contingency plan ang SC sa tulong ng LGUs, sakaling may sama ng panahon o mga pagbaha sa mga susunod na araw ng bar exams sa September 11 at September 15.
Aniya, “Hoping that come Wednesday and Sunday, we’ll have the same weather, we pray that cyclone or whatever is that low pressr area will be suspended during conduct of bar exams. We prepared a lot for these contingencies, flood, earthquake, etc.”
Moira Encina-Cruz