7 Chinese nationals ,ipapadeport na ng Bureau of Immigration

Hawak na ng Bureau of Immigration ang 7 Chinese nationals na nahuli ng Philippine Coast Guard sakay ng isang barko sa Navotas City.

Kinilala ng Bureau of Immigration ang mga dayuhan na sina: Kang Yinxi, Wei Jiarui, Zhuang Chugen, Guo Yibin, Lin Zongsen, Liu Xinfu, at Chen Min.

Sakay sila ng dredging vessel na M/V Sangko Uno na nagsasagawa ng dredging at dumping activities sa Manila Bay at Mindoro.

Nakadetine na sila sa BI detention facility sa Taguig habang ipinoproseso ang deportation proceedings laban sa kanila.

Ayon kay BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado, iligal na nagtatrabaho sa bansa ang mga nasabing dayuhan ng walang kaukulang dokumento.

Nang mahuli sila ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, tourist visa lang ang hawak ng mga ito gayong nagtatrabaho sila sa barko.

Ang mga nasabing dayuhan ay naaresto sa ginawang pre departure ng coast guard habang paalis ng pantalan ang kanilang barko patungong Mindoro.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *