Pinoys sa Jordan, pinayuhang manatili sa ligtas na lugar dahil sa bumagsak na Iranian missiles
Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Jordan ang mga Pilipino doon na manatili sa ligtas na lugar at mahigpit na bantayan ang sitwasyon.
Ito ay dahil na rin sa mga ulat na may debris mula sa Iranian missiles na bumagsak sa nasabing bansa.
Ayon sa embahada, mahalagang sundin ng mga Pinoy ang mga lokal na awtoridad sa Jordan para sa kanilang seguridad at kaligtasan sa harap ng tensiyon doon.
Pinayuhan din ang mga Pilipino na regular na alamin ang mga balita sa kaganapan sa rehiyon.
Hinimok din ang mga Pinoy na magkaroon ng contact number ng Embahada at local emergency services.
Tinatayang nasa 48,000 ang mga Pinoy sa Jordan.
Moira Encina-Cruz