DSWD-9 sa Zamboanga sinugod ng AKAP beneficiaries
Humigit kumulang dalawang libong mga taga Zambonga city ang nagmartsa papunta sa tanggapan ng DSWD-9 sa Zamboanga City, dahil sa biglaang pagkaputol ng Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) distribution sa mga benepisyaryo ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Nakatakda sanang tumanggap ng tig-dalawang libong ayuda ang mga nasa ilalim ng AKAP program, batay sa listahan ng DSWD-9.
Marami ang nadismaya dahil hindi naman pinutol ang pamamahagi ng ayuda sa panig ni Majority Leader Congressman Manix Dalipe, na isinagawa sa mall kasabay ng kabilang grupo.
Wala ring malinaw na sagot ang regional director ng DSWD-9 na si Riduan Hadjimuddin, sa mga taong nagtungo sa kaniyang tanggapan hinggil sa isyu.
Ely Dumaboc