Michael Jackson, Hendrix at Oasis items ipagbibili sa Propstore music auction
Mula sa jackets ni Michael Jackson hanggang sa gitara ni Noel Gallagher, maraming music memorabilia ang ipagbibili sa isang auction sa susunod na buwan, na inaasahang kikita ng humigit-kumulang dalawang milyong pounds o $2.61 million.
Ang entertainment memorabilia auctioneer na Propstore ay mag-aalok ng mahigit sa 350 music items na ginamit o minsang naging pagmamay-ari ng mga megastar sa kanilang Nov. 15 auction, bilang bahagi ng apat na araw na event kung saan magbebenta rin sila ng film at television props and costumes.
Highlights mula sa music items ang isang Jimi Hendrix master tape na kinatatampukan ng apat na unreleased demo recordings na nasa isang kahon kung saan isinulat ni Hendrix ang mga pamagat.
Ang isang naka-frame na “Beat It” lyrics na isinulat mismo ni Michael Jackson ang ipagbibili rin, pati na ang ilan sa kaniyang mga jacket, gaya ng isang black and gold military style jacket na tinatayang mabibili ng 200,000 – 400,000 pounds.
Ipagbibili rin ang kaniyang red tour rehearsal “Thriller” jacket na maraming famous signatures.
Ayon sa Propstore music specialist na si Mark Hochman, “It has been not only signed by Michael, but on the inside, on the back lining, it’s signed by John Landis, who directed the ‘Thriller’ video, and his wife, Deborah Landis, who designed the jacket for Michael to wear. (At the) end of the day, it’s a ‘Thriller’ jacket that Michael’s worn.”
An employee poses with Noel Gallagher’s Custom Silver Sparkle Gibson Les Paul Florentine guitar and Cream Hohner JT60 guitar at Propstore in Chenies, Britain, September 30, 2024. REUTERS/Mina Kim/File Photo
For sale din ang 15 gitara na ginamit at dating pag-aari ni Noel Gallagher, na ayon sa Propstore ay pinakamalaking koleksyion ng mga gitara na isusubasta.
Kabilang dito ang una niyang gitara habang kasama pa niya ang banda, isang cream Hohner JT60 (na tinatayang mabibili ng 25,000 – 50,000 pounds).
Sinabi ni Hochman, “Oasis guitars do come up for auction, primarily they’re Noel’s guitars and they’re hugely sought after by collectors. The (Oasis) reunion has taken that interest to a different level.”
An employee poses with John Lennon’s 1962 Fawn JMI Vox AC15 Twin Amp, at Propstore in Chenies, Britain, September 30, 2024. REUTERS/Mina Kim/File Photo
Ang iba pang nakatakdang isubasta ay ang 1962 Fawn JMI Vox AC15 Twin amp ni John Lennon (na titayang magkakahalaga ng 100,000 – 200,000 pounds), at isang synthesizer na ginamit ni Prince sa recording ng awitin niyang “Purple Rain” (na tinatayang maipagbibili sa halagang 50,000 – 100,000 pounds).