Pagdinig ng Senado sa War on drugs,itinakda sa lunes; Ex-PRRD iimbitahan ng Senado
Itinakda na ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa lunes October 28 ang imbestigasyon ng Senado sa War on drugs sa ilalim ng Duterte Administration.
Alas dies ng umaga sisimulan ang pagdinig ng binuong Blue Ribbon Subcommittee na pamumunuan ni Pimentel.
Ayon kay Pimentel na Chairman ng binuong Blue Ribbon Sub Committee, kasama sa pinadalhan nila ng imbitasyon para humarap sa lunes si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay aniya İto sa abiso ni Senador Ronald dela Rosa na nagsabing dadalo ang dating Pangulo.
Bukod sa dating Pangulo, inimbitahan rin sina dating Senador Leila de Lima, dating PCSO General Manager Royina Garma na nagsiwalat ukol sa reward system para sa umano’y mapapatay na drug suspect at ang jail warden ng Davao penal prison farm na nagsabing may pahintulot umano ng dating Pangulo ang pagpatay sa mga nakakulong na chinese drug lord.
Tinanggihan naman ng liderato ng Senado ang alok na joint investigation ng Kamara sa war on drugs .
Sinabi ni Senate President Francis Escudero, walang probisyon sa rules ng Senado na magpapahintulot sa Joint investigation.
Meanne Corvera