Labing-anim na mga magsasaka inaresto dahil sa pagsunog ng crop waste
Hindi bababa sa 16 na mga magsasaka ang inaresto sa hilagang estado ng Haryana sa India, dahil sa ilegal na pagsunog ng mga tuod ng palayan upang linisin ang mga bukirin, isang nakagawian nang bagay na nagpapataas naman ng polusyon sa hangin sa rehiyon sa paligid ng New Delhi.
Smoke rises from the burning stubble in a rice field at a village in Karnal in the northern state of Haryana, India, October 21, 2024. REUTERS/Bhawika Chhabra/File Phot
Nakikipaglaban sa polusyon ang national capital region ng India sa mga panahong ito bawat taon, habang bumababa ang temperatura at malamig, dahil nata-trap sa hangin ang mga alikabok galing sa konstruksyon, mga usok na ibinubuga ng mga sasakyan, na ang karamihan ayon sa mga awtoridad ay tinatangay galing sa mga katabing breadbasket states ng Punjab at Haryana.
Ang Delhi, na apat na taon nang sunod-sunod na ibinibilang ng Swiss group na IQAir na pinaka-polluted na kabisera, ay pansumandaling nagsara ng kanilang mga eskuwelahan at itinigil ang mga construction project sa nakalipas, habang pinag-aaralan kung paano lulutasin ang problema.
A tractor is seen next to burning stubble in a rice field at a village in Karnal in the northern state of Haryana, India, October 21, 2024. REUTERS/Bhawika Chhabra/File Photo
Ayon sa pulisya ng Kaithal region ng Haryana, 22 reklamo ng stubble burning ang kanilang naitala ngayong taon, at 16 na katao ang inaresto.
Sinabi ni Birbhan, isang deputy supirentendent ng pulisya, na isang pangalan lamang ang ginagamit, “Those arrested have been released on bail since this is a bailable offence.”
Naglunsad na ng imbestigasyon laban sa halos 100 mga magsasaka sa magkabilang panig ng Haryana, habang pinagmulta naman ang mahigit sa 300, ayon sa ulat ng local media.
Farmers burn stubble in a rice field at a village in Karnal in the northern state of Haryana, India, October 21, 2024. REUTERS/Bhawika Chhabra/File Photo
Ang Delhi ay nakapagtala ng “very poor” air ngayong Martes ng umaga, ayon sa Central Pollution Control Board (CPCB), na may air quality index (AQI) na 320. Ang AQI ng 0-50 ay ikinukonsiderang maganda habang ang nasa pagitan ng 400-500 ay nagbabanta ng panganib sa kalusugan.
Ito ang ikalawang pinaka-polluted na siyudad sa mundo ngayong Martes, batay sa isang live ranking sa website ng IQAir, kasunod ng Lahore sa katabing Pakistan.
Sinabi ng environment ministry na ang daily average AQI ng Delhi ay malamang na manatili sa ‘Very Poor’ category (300-400) sa mga susunod na araw dahil sa ‘unfavourable’ meteorological at climatic conditions.
Burnt stubble is seen in a rice field at a village in Karnal in the northern state of Haryana, India, October 21, 2024. REUTERS/Bhawika Chhabra/File Photo
Upang pigilan ang polusyon sa Delhi, ipinag-utos ng mga awtoridad ang pagwiwisik ng tubig sa mga lansangan bilang tugon sa mga alikabok, pagdaragdag sa public bus at metro services at pagpapataas sa parking fees, upang pigilan ang mga tao na gumamit ng sasakyan. Sinasabi ng mga Environmentalist na ang mga hakbang ay hindi sapat.
Ayon sa environmentalist na si Vimlendu Jha, “These are only emergency measures…This air pollution mitigation needs a long-term comprehensive solution rather than these ad hoc measures.”