Magiging kapalit sana ng napaslang na Hezbollah leader, napatay ng Israel
Kinumpirma ng Israel na napatay nito si Hashem Safieddine, ang papalit sana sa napaslang na lider ng Hezbollah na si Hassan Nasrallah, na napatay noong isang buwan sa pag-atake ng Israel sa Iran-backed Lebanese militaht group.
Ayon sa militar, si Safieddine ay napatay sa isinagawang pag-atake tatlong linggo na ang nakalilipas sa southern suburbs ng Beirut. Ito ang unang pagkakataon na kinumpirma ang kaniyang pagkamatay.
Sa mga unang bahagi ng Oktubre ay sinabi lamang ng Israel na malamang na napatay na si Safieddine.
Wala namang agad na tugon mula sa Hezbollah kaugnay ng pahayag ng Israel tungkol sa pagkakapatay kay Safieddine.
Hezbollah supporters carry flags and banners depicting Hezbollah senior official Sayyed Hashem Safieddine during a protest, after hundreds of Palestinians were killed in a blast at Al-Ahli hospital in Gaza that Israeli and Palestinian officials blamed on each other, in Beirut’s southern suburbs, Lebanon October 18, 2023. REUTERS/Mohamed Azakir/File Photo
Sinabi ni Israeli army chief Lieutenant General Herzi Halevi, “We have reached Nasrallah, his replacement and most of Hezbollah’s senior leadership. We will reach anyone who threatens the security of the civilians of the State of Israel.”
Ang Israel ay nagsasagawa ng pinaigting na opensiba sa Lebanon pagkatapos ng isang taon nang mga labanan sa border nila ng Hezbollah, ang pinakakakila-kilabot na proxy forces ng Iran sa Gitnang Silangan.
Ang grupo ay kumikilos bilang suporta sa mga militanteng Palestinian na lumalaban sa Israel sa Gaza, ngunit tila nanghihina dahil sa sunud-sunod na pagkamatay ng kanilang mga senior commander sanhi ng mga airstrike ng Israel nitong mga nakaraang linggo.
Si Safieddine na kaanak ni Nasrallah, ay itinalaga sa kanilang Jihad Council, ang grupo na responsable sa kanilang military operations, at sa executive council, upang pangasiwaan ang financial at administrative affairs ng Hezbollah.
Ginampanan ni Safieddine ang isang prominenteng papel ng tagapagsalita para sa Hezbollah, sa mga huling taon nang pakikipaglaban sa Israel, kabilang dito ang pagdalo at pagtatalumpati sa mga libing at iba pang mga kaganapan na matagal nang hindi nadadaluhan ni Nasrallah dahil sa isyung pangseguridad.
Rescuers search for survivors at the site of an Israeli strike near Rafik Hariri University Hospital, amid ongoing hostilities between Hezbollah and Israeli forces, in Beirut, Lebanon October 22, 2024. REUTERS/Emilie Madi
Sa ngayon, ang Israel ay hindi nagpapakita ng senyales na ititigil na nito ang kanilang opensiba sa Gaza at Lebanon, kahit na napatay na nila ang ilang mga lider ng Hamas at Hezbollah, kabilang si Nasrallah, ang makapangyarihang secretary-general sa isang pag-atake noong Setyembre 27.
Sinasabi ng mga diplomat na ang Israel ay naglalayong makakuha ng malakas na posisyon bago umupo ang isang bagong U.S. administration, kasunod ng November 5 elections sa pagitan nina Vice President Kamala Harris at dating pangulong Donald Trump.
Ang kumpirmasyon ng Israel sa pagkakapatay kay Safieddine ay ginawa, habang pini-pressure ni U.S. Secretary of State Antony Blinken si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na gawing oportunidad ang pagkakapatay sa Hamas leader na si Yahya Sinwar, upang mapalaya ang Oct. 7 attack hostages at tapusin na ang giyera sa Gaza.
Gil Haskel welcomes U.S. Secretary of State Antony Blinken he arrives in Tel Aviv, Israel, October 22, 2024. REUTERS/Nathan Howard/Pool
Matapos ang paulit-ulit na bigong pagtatangka na maisakatuparan ang isang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hamas, si Blinken ay bumisita sa Gitnang Silangan sa ika-11 pagkakataon mula nang mag-umpisa ang giyera sa Gaza, at ang magiging huli bago ang presidential election na maaaring magpabago sa U.S. policy.
Naghahanap din si Blinken ng mga pamamaraan upang mapalamig ang hidwaan sa Lebanon, kung saan sa nagdaang magdamag ay hindi bababa sa 18 katao ang namatay, kabilang ang apat na mga bata, at 60 naman ang nasaktan sa isinagawang airstrike ng Israel malapit sa main state hospital ng Beirut.
Sinabi nito na umaasa ang U.S. na ang pagkamatay ng Hamas leader na si Sinwar, na sinisisi para sa isang taon nang mapangwasak na giyera sa pamamagitan nang pagpaplano sa militant assault sa Israeli territory noong Oct. 7 noong nakaraang taon, ay magbibigay ng bagong pagkakataon para sa kapayapaan.
Sa isang pahayag na ipinalabas ng tanggapan ni Netanyahu ay nakasaad, “Sinwar’s elimination may have a positive effect on the return of the hostages, the achievement of all the goals of the war, and the day after the war.”
Ngunit walang binanggit na posibleng tigil-putukan pagkatapos ng isang taon nang digmaan, kung saan ang mga kakayahan ng militar ng Hamas ay nasira nang husto at ang Gaza ay halos naging mga durog na bato, at ang karamihan sa 2.3 milyong Palestinians ay lumikas.
Displaced Palestinians ordered by the Israeli military to evacuate the northern part of Gaza flee amid an Israeli military operation, in Jabalia in the northern Gaza Strip October 22, 2024. REUTERS/Mahmoud Issa
Sa kanilang panig, tumanggi ang Hamas na palayain ang mga hostage sa Gaza na kanilang binihag nang lumusob sila sa Israel noong Oct. 7, 2023, kung hindi mangangako ang Israel na tatapusin na ang giyera at aalisin na sa Gaza ang kanilang mga sundalo.
Inanunsiyo ng Hezbollah ang dose-dosenang pag-atake laban sa Israeli targets, kasama na ang anila’y Israeli military sites malapit sa Haifa at Tel Aviv, na nagmumungkahing “naka-survive” ang kanilang military capabilities laban sa pinakamalaking pag-atake ng Israel sa deka-dekada nang hidwaan.
Samantala, nagpapatuloy din ang Israeli strikes sa buong Lebanon, kabilang na ang isa na nagdulot ng pagguho ng isang multi-storey building malapit sa central Beirut.
People ride on an animal-drawn cart as displaced Palestinians ordered by the Israeli military to evacuate the northern part of Gaza flee amid an Israeli military operation, in Jabalia in the northern Gaza Strip, October 22, 2024. REUTERS/Dawoud Abu Alkas
Ang opensiba ng Israel ay naging sanhi na ng paglikas ng hindi bababa sa 1.2 million Lebanese mula sa kanilang mga tahanan at ikinamatay na 2,530 katao, kasama ang hindi bababa sa 63 sa nakalipas lamang na 24-oras, ayon sa Lebanese government.