Bagyong Kristine napanatili ang lakas
Napanatili ng bagyong Kristine ang lakas nito habang kumikilos ito patungong Silangan ng Aurora.
Batay sa Weather bulletin ng PAGASA ( AS OF 2PM ) natukoy ang bagyo sa layong 160 kilometers sa silangan ng Casiguran Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa walumput limang kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.
Ayon kay Chris Perez ang Assistant Weather Services Chief ng PAGASA hindi pa ito naglandfall sa kalupaan pero ramdam na ang epekto nito dahil sa laki ng sakop ng circumference ng bagyo.
Hindi naman inaalis ng PAGASA ang posibilidad na mas marami pang pag-ulan ang ibubuhos ng bagyo .
Kaya pinayuhan ng ahensya ang mga nakatira sa mga low lying areas na mag -ingat lalo na sa banta ng mga pagbaha.
Biyernes o Sabado inaasahan na lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility.
Nagpahayag din ang PAGASA na posibleng itaas pa ang storm warning signal sa iba pang mga lugar dahil sa patuloy na pagkilos ng bagyo at habang papalapit sa kalupaan.
Hindi naman inaalis ang posibilidad ng storm surge sa mga baybayin na dadaanan ng bagyo kung kayat patuloy ang paalala nila sa mga residente na nakatira malapit sa mga kritikal areas na gawin ang kaukulang pag -iingat.