Gaza ceasefire deal tatalakayin ng US at Israeli negotiators sa Doha
Magtitipon sa Doha sa susunod na mga araw ang mga negosyador ng U.S. at Israel, upang subukan na simulang muli ang kasunduan para sa ceasefire at pagpapalaya sa mga bihag sa Gaza.
Ang Qatar at Egypt ang nagsilbing mga tagapamagitan sa Israel at Hamas sa mga buwan nang pag-uusap na nahinto noong Agosto nang walang napagkasunduan para tapusin na ang labanan, na nagsimula nang maglunsad ang Palestinian militant group na Hamas ng mga pag-atake sa katimugang Israel noong Okt. 7, 2023.
CIA Director William J. Burns in Washington, U.S., January 30, 2024. REUTERS/Nathan Howard/File Photo
Ayon sa pahayag mula sa tanggapan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, bibiyahe patungo sa Doha sa Linggo si David Barnea, ang pinuno ng kanilang Mossad intelligence agency, at naroon din aniya ang CIA director na si William Burns.
Nitong linggong ito ay bumiyahe na patungo sa Gitnang Silangan si U.S. Secretary of State Antony Blinken, sa pag-asang muling mabubuksan ang pag-uusap kasunof nang pagkamatau ng Hamas leader na si Yahya Sinwar, na ayon sa Washington ay ang pangunahing sagabal sa kasunduan.
Screen grab from Reuters
Sinabi ni Blinken, “We talked about options to capitalize on this moment and next steps to move the process forward,” matapos niyang makipag-usap kay Qatari Prime Minister and Foreign Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al Thani. Aniya pa, “I anticipate that our negotiators will be getting together in the coming days.”
Ayon pa kay Blinken, hindi pa nadedetermina kung handa ang Hamas na lumahok sa mga bagong negosasyon, ngunit hinimok ang grupo na makibahagi.
Tumanggi naman siyang tukuyin kung sino ang dadalo sa gagawing pag-uusap sa Doha, ngunit sinabing ang Washington ay kapwa nakikipag-ugnayan sa Qatari at Egyptian mediators tungkol sa “different options” para sa muling pagsisimula ng negosasyon.
Screen grab from Reuters
Ani Blinken, “Going back to the negotiations on ceasefire and the hostages, one of the things we’re doing is looking at whether there are different options that we can pursue to get us to a conclusion, to get us to a result.”
Mula nang mapaslang si Sinwar noong nakaraang linggo, nagpatuloy ang Israel sa maigting na operasyon sa hilagang Gaza, na pinangangambahan ng mga Palestinian at mga ahensya ng U.N., na maaaring isang pagtatangka na isara ang hilaga mula sa natitirang bahagi ng enclave.
Screen grab from Reuters
Sinabi ni Sheikh Mohammed, na umaasa siyang ang mga negosasyon ay makalilikha ng isang panukalang tatalakayin sa mga huling bahagi ng pag-uusap.
Aniya, nakipagkita na rin ang mga opisyal ng Qatar sa mga opisyal ng Hamas sa political office nito sa Doha sa nakalipas na ilang araw, “Until now, there is no clarity (on) what will be the way forward.”
Hindi pa pinangalanan ng Hamas ang kahalili ni Sinwar, na itinalagang kapalit ng kanilang pinunong si Ismail Haniyeh na napaslang noong Hulyo.
Dagdag pa ni Sheikh Mohammed, ang Egypt ay mayroon ding ginagawang bukod na pakikipag-usap sa Hamas, na inaasahan niyang magkakaroon ng positibong resulta.