TV contractors na inireklamo ni Sandro Muhlach, kinasuhan na ng DOJ ng rape through sexual assault at acts of lasciviousness

Sinampahan na ng mga kaso ng Department of Justice (DOJ) sa hukuman ang dalawang independent TV contractors kaugnay sa sinasabing panghahalay sa aktor na si Sandro Muhlach.

Sa resolusyon ng DOJ panel of prosecutors, sinabi na nakitaan nito ng “prima facie evidence with reasonable certainty of conviction” para kasuhan ng rape through sexual assault at acts of lasciviousness sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Binigyang bigat ng prosekusyon ang mga testimonya ni Muhlach sa ginawang panghahalay sa kaniya at positibong pagtukoy nito sa dalawang akusado.

Walang inirekomendang piyansa ang DOJ para sa kasong rape sa dalawa.

Ayon naman kay Prosecutor General OIC Richard Anthony Fadullon, kahit may “minor inconsistencies” sa testimonya ng aktor ay hindi ito sapat para sabihin na nagsisinungaling na ito.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *