Patay sa baha sa Spain, umakyat na sa 158

Residents walk through a muddy street after floods in Utiel, Spain, October 30, 2024. REUTERS/Susana Vera/File photo

Umakyat na sa 158 ang mga namatay dahil sa mapaminsalang baha sa silangang bahagi ng Espanya, habang patuloy naman ang rescue teams sa paghahanap sa mga nawawala.

Ang kaganapang ito sa Espanya, ay maaaring maging pinakagrabeng sakuna na may kaugnayan sa bagyo sa Europa, sa loob ng nakalipas na limang dekada.

Sinabi ni Angel Victor Torres, minister in chrge of cooperation sa mga rehiyon ng Espanya, na dose-dosenang katao ang nawawala.

Noong Martes, bumagsak ang dami ng ulan na katumbas ng bumabagsak sa isang taon, sa loob lamang ng walong oras sa ilang bahagi ng Valencia.

Ang trahedya ay isa nang pinakamalalang sakuna na may kaugnayan sa baha sa Spain sa modernong kasaysayan, at sinasabi ng mga meteorologist na dahil sa pagbabago ng klima na dulot ng tao ay nagiging mas madalas at mapanira ang mga weather event.

Noong 2021, hindi bababa sa 185 katao ag namatay sa matinding pagbaha sa Germany. Bago ito, 209 din ang namatay sa Romania noong 1970 at ang mga pagbaha sa Portugal noong 1967 ay ikinamatay ng halos 500 katao.

Ayon kay Mayor Maria Jose Catala, noong Huwebes ay nakadiskubre ang rescue teams ng bangkay ng walong tao kabilang ang isang pulis, na na-trap sa isang garahe sa labas ng siyudad ng Valencia.

Sa La Torre naman ay isang 45-anyos na babae aniya ang natagpuan namang patay sa loob ng kaniyang bahay.

Inakusahan ng opposition politicians ang central govenment sa Madrid na masyadong mabagal ang pagkilos upang bigyan ng babala ang mga residente at magpadala ng mga rescue team, na nag-udyok sa Interior Ministry na sabihin na ang mga awtoridad sa rehiyon ay responsable upang gumawa ng mga hakbang para sa proteksiyong sibil.

Ayon kay Laura Villaescusa, manager ng isang local supermarket, “Those people wouldn’t have died if they had been warned in time.”

Sinabi naman ni Maribel Albalat, alkalde ng kalapit na bayan ng Paiporta, hindi nabigyan ng babala ang mga residente tungkol sa baha at sinabi pang sa kaniyang baya ay 62 katao ang namatay.

Aniya, “We found a lot of elderly people inside their homes and people who went to get their cars. It was a trap.”

Sa Godelleta, isang bayan na 37 kilometro o 23 milya sa kanluran ng Valencia city, inilarawan ng 52-anyos na si Antonio Molina, kung paano siya nakaligtas sa pamamagitan ng paglambitin sa isang poste sa bahay ng kaniyang kapitbahay noong Martes, kung saan ang tubig-baha ay umabot sa kaniyang leeg.

Winasak ng baha ang mga imprastraktura ng Valencia, tinangay ang mga tulay, mga kalsada at mga riles, pinalubog ang mga sakahan sa isang rehiyon na pinagkukunan ng nasa two-thirds ng citrus crops ng Spain gaya ng oranges, na ini-export nito sa buong mundo.

Sinabi ni Transport Minister Oscar Puente, na humigit-kumulang 80 km (50 milya) ng mga kalsada sa silangang rehiyon ang malubhang nasira o hindi maraanan, marami rin ang nakaharang na mga abandonadong sasakyan.

Ayon kay Puente, “Unfortunately there are dead bodies in some vehicles. It would take two to three weeks to re-establish the high-speed train connection between Valencia and Madrid.”

Sa kaniya namang pagbisita sa isang rescue coordination centre malapit sa Valencia city, hinimok ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez ang mga tao na manatili sa loob ng kanilang tahanan dahil sa banta ng mas mabagyo pang panahon.

Aniya, “Right now the most important thing is to safeguard as many lives as possible.”

Sa rural town ng Utiel na malubhang tinamaan ng baha, umapaw ang Magro River at naglabas ng hanggang tatlong metro o 9.8 talampakang tubig na nagpalubog sa mga bahay s alugar na karamihan ay isang palapag lamang.

Ayon sa alkalde ng Utiel na si Ricardo Gabaldon, “At least six people died in the town of about 12,000, most of them elderly or disabled people who were unable to clamber to safety.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *