Korte Suprema lumagda ng kasunduan sa Leiden University para sa judicial management training
Pumasok sa kasunduan ang Korte Suprema at Leiden University para sa training course sa judicial management at administration of complex cases.
Ang memorandum of understanding (MOU) ay nilagdaan ng Philippine Judicial Academy (PHILJA), na training arm ng Supreme Court at ng Grotius Centre for International Legal Studies, Leiden Law School, Leiden University.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, layon ng MOU na mapaunlad pa ang mga kakayanan ng court personnel sa larangan ng judicial management and administration.
Alinsunod din aniya ang training program sa Strategic Plan for Judicial Innovations ng SC para masiguro ang mabilis at episyente na resolusyon ng mga kaso.
Courtesy: SC PIO
Ang MOU ay makatutulong din anila para mapagbuti ang pilot program ng SC para sa Office of the Regional Court Managers at sa paghahanda para sa Station Court Managers Program.
Ayon sa SC, tatagal ng 10 araw ang training course para sa 25 piling kalahok mula sa hudikatura na gaganapin sa November 25 hanggang December 6, 2024 sa The Hague, Netherlands.
Moira Encina-Cruz