P60 flag-down rate sa taxi, pinag-aaralan ng LTFRB
Pinag-aaralan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kahilingan ng ilang taxi operators na maitaas sa P60 ang kasalukuyan flag-down rate sa taxi units.
Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na patuloy na binubusisi ang pagtataassa flag down rate dahil marami pa silang kinokonsidera hinggil dito, tulad ng epekto ng inflation.
Humirit ng taas pasahe ang mga taxi operator noong June 24, 2022, ng mula P40 hanggang P60.
Naitaas pa ang flag-down rate sa P50 nang humirit pa ng taas pasahe ang mga taxi operator noong October 7, 2022.
Niliwanag ni Guadiz na hinihintay pa rin ng ahensiya ang komento ng National Economic and Development Authority o NEDA sa kahilingan ng taxi operators na gawing P60 ang flag down rate dulot ng patuloy na pagbaba ng kanilang kita dahil sa madalas na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.