Militar , tiniyak na hindi makikisawsaw sa politika
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na hindi sila makikisali sa pulitika at walang nangyayaring anumang pag aaklas sa kanilang hanay.
Sa harap yan ng umiiinit na sitwasyon sa pulitika sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte kasama na ang mga Kongresista.
Sa pagdinig ng Commission on Apppointments para sa promosyon ng dalawamput dalawang opisyal ng sandatahang lakas ng bansa, sinabi ni AFP Deputy Chief of staff Lt General Jimmy Larida na walang namumuong pag aaklas sa kanilang hanay .
Ang pagtiyak ay ginawa ni Larida bilang sagot sa tanong ni Senador Jinggoy Estrada kung may naririnig ba itong ugong hinggil sa posibleng pag aaklas ng mga sundalo
Nagpaalala naman si Estrada sa mga sundalo na manatiling tapat sa konstitusyon.
Inaprubahan naman ng Committee on Natioal Defense ng CA ang promosyon ni Larida bilang Lieutenant General kasama na ang iba pang opisyal.
Kasama sa na- promote ang kapatid na si Estrada na si Jude Estrada na reserve oifficer na may ranggong Brigadier General.
Meanne Corvera