BuCor bumili ng dalawang full-body scanners para mapigilan ang pagpasok sa kulungan ng mga kontrabando

Photo courtesy of BuCor

Hindi na kakailanganin ang strip searches at manual cavity checks sa mga bisita ng persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ito ay matapos na bumili ang Bureau of Correction ng dalawang bagong full-body scanners.

Ipinirisinta sa media ni BuCor Director General ang Soter RS full-body scanners na kauna-unahan sa bansa.

Photo courtesy of BuCor

Ayon kay Catapang, ilalagay ang dalawang body scanners sa entrance ng National Headquarters’ Administrative Building ng BuCor at Inmate Visiting Services Unit ng Maximum Security Camp sa Bilibid.

Sinabi ni Catapang na may kakayanan ang mga bagong equipment na matukoy ang mga kontrabando na nasa katawan ng tao gaya ng iligal na droga.

Makikita aniya sa advanced scanners ang anumang bagay o kontrabando na nilunok, nakatago sa damit o sa loob ng pribadong parte ng katawan ng isang tao.

Nagkakahalaga aniya ng P20 milyong bawat isa ang scanners.

Photo courtesy of BuCor

Balak ng opisyal na bumili ng karagdagang body scanners na idi-deploy sa iba pang penal at prison farms ng BuCor sa buong bansa.

Ayon pa kay Catapang, makatutulong din ang scanners upang maalis ang mga paratang ng paglabag sa karapatang pantao dahil sa isinasagawa dati na frisking o body search sa inmate visitors.

Una nang iniutos ni Catapang na itigil ang strip at cavity searches noong Mayo matapos ang reklamo ng dalawang asawa ng PDLs.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *