Impeachment case laban kay VP Sara nakaumang na sa Kamara
Inamin ni dating Senador Antonio Trillanes IV na mayroon ng draft ng Impeachment case laban kay Vice president Sara Duterte.
Sa ambush interview sa Kamara abangan na lang ng publiko ang isasampang Impeachment case laban sa bise presidente na magmumula aniya sa Makabayan bloc.
Inihayag pa ni Trillanes na maliban sa criminal case na isinampa na kay VP Sara ay sasampahan din ng Impeachment case ang bise presidente para matanggal sa puwesto.
Sinabi ni Trillanes na hindi rin dapat balewalain ang suporta ng pamilya Duterte mula sa civilian at militar dahil anumang destabilization plot laban sa administrasyon ay isang seryosong bagay.
Vic Somintac