Israel-Hezbollah ceasefire epektibo na, mga sibilyan nagbalikan na sa south Lebanon

Women gesture as they welcome people coming back to Tyre, after a ceasefire between Israel and Iran-backed group Hezbollah took effect at 0200 GMT on Wednesday after U.S. President Joe Biden said both sides accepted an agreement brokered by the United States and France, in Lebanon, November 27, 2024. REUTERS/Adnan Abidi

Epektibo na ngayong Miyerkoles ang isang ceasefire deal sa pagitan ng Israel at ng Iran-backed group na Hezbollah, makaraang tanggapin ng magkabilang panig ang isang kasunduan na isinaayos ng U.S. at France, isang pambihirang tagumpay para sa diplomasya sa isang rehiyon na niyanig ng dalawang digmaan sa loob ng mahigit isang taon.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Lebanese army, na inatasang tumulong na matiyak na mapananatili ang ceasefire, na naghahanda silang mai-deploy sa katimugang bahagi ng bansa.

Nakiusap din ang militar sa mga residente sa border villages na ipagpaliban muna ang pagbalik sa kanilang tahanan hanggang sa tuluyang mag-withdraw ang Israeli military.

A woman reacts after arriving in the city, after a ceasefire between Israel and Iran-backed group Hezbollah took effect at 0200 GMT on Wednesday after U.S. President Joe Biden said both sides accepted an agreement brokered by the United States and France, in Tyre, Lebanon, November 27, 2024. REUTERS/Adnan Abid

Ang kasunduan, na may pangakong tapusin na ang hidwaan sa buong Israeli-Lebanese border na ikinamatay na ng libu-libong katao mula nang pasiklabin ito ng giyera sa Gaza noong isang taon, ay isang malaking tagumpay para sa U.S.-led diplomacy sa nalalabing panahon ng administrasyon ni President Joe Biden.

Sinabi ni Biden na isinusulong din ng kaniyang administrasyon ang mailap na ceasefire sa Gaza, at posibleng maging normal na ang relasyon ng Saudi Arabia at Israel.

Narinig sa magkabilang panig ng Beirut, kapitolyo ng Lebanon ang mga putok ng baril makaraang magkabisa ang ceasefire bandang 0200 GMT. Hindi naman agad malinaw kung ito ba ay bilang pagdiriwang, dahil ang pagpapaputok ng baril ay ginagamit din upang alertuhin ang mga residenteng hindi nakarinig sa evacuation warnings ng Israel military.

Vehicles drive south from Zahrani, after a ceasefire between Israel and Iran-backed group Hezbollah took effect at 0200 GMT on Wednesday after U.S. President Joe Biden said both sides accepted an agreement brokered by the United States and France, in Lebanon November 27, 2024. REUTERS/Aziz Tahe

Nagsimula nang magsibalik ang mga taong lumikas mula sa katimugang Lebanon dahil sa pag-atake ng Israel nitong nakaraang mga buwan lulan ng kanilang mga sasakyan, matapos magkabisa ang ceasefire.

May mga pamilya ring bumalik sa southern suburbs ng Beirut na binomba ng Israel, bitbit ang mga bandila ng Hezbollah.

Sa White House ay nagsalita si Biden ilang sandali matapos aprubahan ng security cabinet ng Israel ang kasunduan sa isang 10-1 vote.

Aniya, nakausap niya si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at ang caretaker ng Lebanon na si Prime Minister Najib Mikati, na ang mga labanan ay hihinto ng alas-4:00 ng madaling araw local time (0200 GMT).

Men gesture as one of them carries a Hezbollah flag and a picture depicting late Hezbollah leader Sayyed Hassan Nasrallah, near a damaged building at the entrance of Beirut’s southern suburbs, after a ceasefire between Israel and Hezbollah took effect, Lebanon November 27, 2024. REUTERS/Mohamed Azakir

Ayon kay Biden, “This is designed to be a permanent cessation of hostilities. What is left of Hezbollah and other terrorist organizations will not be allowed to threaten the security of Israel again.”

Unti-unti namang aalis ang puwersa ng Israel sa loob ng 60 araw habang ang Lebanese army na ang kokontrol sa teritoryong malapit sa kanilang border sa Israel, upang matiyak na hindi na muling magtatayo ang Hezbollah ng kanilang mga imprastraktura sa lugar.

Sinabi pa ni Biden. “Civilians on both sides will soon be able to safely return to their communities.”

Hindi pa pormal na nagkokomento ang Hezbollah tungkol sa ceasefire, pero sinabi ng senior official na si Hassan Fadlallah sa Al Jadeed TV ng Lebanon, na bagama’t suportado nito ang extension ng awtoridad ng estado ng Lebanon, ang grupo ay muling babangon na mas malakas.

A vehicle transporting mattresses drives towards southern Lebanon on a highway, after a ceasefire between Israel and Iran-backed group Hezbollah took effect at 0200 GMT on Wednesday after U.S. President Joe Biden said both sides accepted an agreement brokered by the United States and France, in Damour, Lebanon, November 27, 2024. Reuters/Adnan Abidi

Ayon kay Fadlallah na miyembro rin ng parliyamento ng Lebanon, “Thousands will join the resistance. Disarming the resistance was an Israeli proposal that fell through.”

Sinabi naman ng Iran, na sumusuporta sa Hezbollah, sa Palestinian group na Hamas at maging sa Houthi rebels na umatake sa Israel mula sa Yemen, na welcome sa kanila ang ceasefire.

Sa isang pahayag sa social media, ay sinabi ni French President Emmanuel Macron, “The deal was the culmination of efforts undertaken for many months with the Israeli and Lebanese authorities, in close collaboration with the United States.”

Naglabas din ng isang pahayag si Mikati ng Lebanon na nagsasabing welcome sa kanila ang kasunduan.

Sinabi ni foreign minister Abdallah Bou Habib, na ang Lebanese ay may hindi bababa sa limang libong troops na nakadeploy sa southern Lebanon.

A view shows Beirut’s southern suburbs and surroundings, after a ceasefire between Israel and Iran-backed group Hezbollah took effect at 0200 GMT on Wednesday after U.S. President Joe Biden said both sides accepted an agreement brokered by the United States and France, as seen from Baabda Lebanon November 27, 2024. REUTERS/Ayman Sahely

Ayon kay Netanyahu, nakahanda siyang ipatupad ang isang ceasefire subalit maigting itong tutugon sa anumang paglabag dito na gagawin ng Hezbollah.

Aniya, ang ceasefire ay magbibigay-daan sa Israel upang pagtuunan ang banta mula sa Iran, bigyan ang army ng pagkakataong makapagpahinga at mag-replenish ng supplies.

Sabi pa ni Netanyahu, “In full coordination with the United States, we retain complete military freedom of action. Should Hezbollah violate the agreement or attempt to rearm, we will strike decisively.”

Dagdag pa niya, “Hezbollah, which is allied to Hamas, was considerably weaker than it had been at the start of the conflict. We have set it back decades, eliminated its top leaders, destroyed most of its rockets and missiles, neutralized thousands of fighters, and obliterated years of terror infrastructure near our border.”

Isang matataas na opisyal ng U.S., na nagbibigay ng update sa mga mamamahayag na ayaw magpakilala ang nagsabi, na ang U.S. at France ay sasama sa isang mekanismo sa UNIFIL peacekeeping force na makikipagtulungan sa hukbo ng Lebanon upang hadlangan ang mga potensyal na paglabag sa tigil-putukan. Ang mga pwersang pangkombat ng U.S. ay hindi idedeploy.

A soldier stands guard next to a poster with the images of late Hezbollah leader Sayyed Hassan Nasrallah and late senior Hezbollah official Hashem Safieddine, at the entrance of Beirut’s southern suburbs, after a ceasefire between Israel and Iran-backed group Hezbollah took effect at 0200 GMT on Wednesday after U.S. President Joe Biden said both sides accepted an agreement brokered by the United States and France, in Lebanon, November 27, 2024. REUTERS/Thaier Al-Sudani

Sa isang survey poll na isinagawa ng Channel 12 TV ng Israel, lumitaw na 37% ng Israelis ang pabor sa ceasefire, kumpara sa 32% na tutol dito.

Ang mga tutol sa deal ay kinabibilangan ng opposition leaders at mga pinuno ng mga bayan na malapit sa border ng Israel sa Lebanon, na nagnanais ng isang “depopulated buffer zone” sa frontier side ng Lebanon.

Kapwa naman iginiit ng Lebanese government at ng Hezbollah, na ang pagbabalik ng mga lumikas na sibilyan sa katimugang Lebanon, ay isang pangunahing prinsipyo ng tigil-putukan.

Sinabi ni Israeli Security Minister Itamar Ben-Gvir, isang right-wing member ng gobyerno ni Netanyahu, “The agreement did not ensure the return of Israelis to their homes in the country’s north and that the Lebanese army did not have the ability to overcome Hezbollah.”

Aniya, “In order to leave Lebanon, we must have our own security belt.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *