Cancer , ikatlong dahilan ng kamatayan sa Pilipinas
Marami ng pag-aaral ang ginagawa sa bansa patungkol sa cancer.
Pero ayon kay Dr Alfonso Nuñez, Interim Executive Director ng Philippine Cancer Center, karaniwan ay nakatutok ito sa management at treatment.
Kaya naman inilunsad ang 12 National Cancer Research Agenda.
Kabilang rito ang management, treatment, prevention, survivorship sa cancer maging mga paraan ng paggamot rito gamit ang makabagong teknolohiya at maging mga pag-aaral sa traditional medicine para sa conventional cancer care.
National Cancer Research Agenda
1. Cancer Treatment Outcomes
2. Health Systems Strengthening
3. Health promotion, prevention, and Early Detection
4. Data Management and Sharing
5. Epidemiological Research on Cancer Burden
6. Multidisciplinary and Hollistic Care
7. Palliative and Survivorship Care
8. Human Resources for Health
9. Technological innovations and Interventions
10. Traditional, Complimentary, and Integrative Medicine
11. Porsonalized Medicine and Multi-omics Research
12. Cancer Biology
Ayon kay Department of Health Undersecretary Ermie Liza Perez-Chiong, kahit ginagawa pa ang pasilidad ng mismo ng PCC gumagana naman na lahat ng kanilang cancer center sa ibat ibang DOH hospital.
Ayon kay Chiong may mga programa ang DOH para sa assistance sa mga pasyenteng may cancer.
Pagdating sa cancer prevention, titiyakin aniya nilang lahat ng 87 DOH hospital magkakaroon ng mataas na uri ng CT scan at mamogram machines.
Ayon kay Chiong ang cancer ang ikatlong dahilan ng kamatayan sa Pilipinas sa kababaihan ang karaniwan ay breast cancer habang lung cancer naman sa kalalakihan.
Sa datos ng World Health Organization, nitong 2022 lang may higit 188 libong nadagdag na bagong kaso ng cancer sa Pilipinas.
Higit 113 libo naman ang nasawi dahil sa sakit.
Madelyn Moratillo