Wage hike para sa mga manggagawa sa private sector sa Zamboanga , inaprubahan na

Aprubado na ng National Wages and Productivity Commission ang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Zamboanga.

Dahil rito, madadagdagan ng P33 ang arawang sahod ng minimum wage earners sa Region 9.

Kaya mula sa P 381 ay magiging P414 na ang daily minimum wage para sa nasa non-agriculture sector.

Sa mga nasa agriculture sector naman mula sa P368 ay magiging P401 na.

Magiging epektibo ang bagong wage order simula sa December 12, 2024.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *