Ilang korte sa Hilagang Luzon, Bicol, at Eastern Visayas, suspendido ngayong Biyernes dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Pepito
Walang pasok ang ilang hukuman sa Hilagang Luzon, Bicol, at Eastern Visayas dahil sa inaasahang masamang panahon dala ng Bagyong Pepito.
Sa Bicol, suspendido ang operasyon ng Calabanga, Camarines Sur RTC Branch 63 at mga MTC sa huriskdiksyon nito; San Jose,Camarines Sur MTCs at MCTCs; at Naga City RTC at lahat ng first -level courts na sakop nito.
Gayundin, ang mga korte sa Labo, Camarines Norte, Iriga City at Libmanan Administrative Area.
Sa Northern Luzon, walang operasyon ang lahat ng RTC at Office of the Clerk of Court sa Santiago City, Isabela; at ang Cordon- Dinapigue at Ramon- San Isidro, Isabela MCTC bunsod naman ng pananalasa ng Bagyong Ofel.
Sa Eastern Visayas, suspendido ang pasok sa RTC at mga hukuman na sakop ng Catarman, Northern Samar.
Moira Encina-Cruz