Unang Philippine Dive Experience inilunsad ng DOT sa Anilao, Batangas
Opisyal nang inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang kauna-unahang Philippine Dive Experience sa Anilao, Batangas.
Ayon sa DOT, layon ng programa na mas lalong mapatibay ang posisyon ng Pilipinas bilang premier global destination para sa diving at marine biodiversity exploration.
Sinabi ng DOT na ang Anilao na kilala sa mundo na diving destination ang napiling launch point ng Philippine Dive Experience tourism circuit.
Inanunsiyo pa ni Tourism Secretary Christina Frasco ang ilang hakbangin ng DOT para mas mapalakas ang dive tourism.
Isa na rito ang installation ng hyperbaric chambers sa strategic dive sites para masiguro ang diver safety at makatugon sa international standards ang bansa.
Sa tala ng DOT, umabot sa P73 billion ang kita ng dive industry noong 2023 na nakaambag sa ekonomiya, paglikha ng mga trabaho at pangangalaga sa kalikasan sa bansa.
Moira Encina-Cruz