e-Visa sa India, ganap nang ipinapatupad ng Pilipinas

Poster courtesy of DFA (PNA)

Ganap nang ipinatupad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang e-Visa system sa India, na magpapahintulot sa Indian nationals na mag-apply para sa e-Visa online.

Ang mga aplikante ay maaaring mag-apply para sa e-Visas sa pamamagitan ng pagpunta sa official website na evisa.gov.ph, at pagbabayad ng e-Visa fees online sa pamamagitan ng direct bank transfer sa isang secure na paraan.

Inanunsiyo ng DFA ang full implementation sa isang advisory na may petsang Nov. 29, kasunod ng matagumpay na soft-launch nito at beta testing noong August 2023.

Opisyal na nagsimula ang e-Visa operations sa Philippine Embassy sa New Delhi at sa lahat ng tatlong Philippine Honorary Consulates sa India (Chennai, Kolkata, at Mumbai) noong Oct. 28.

Hanggang noong Oct. 31, hindi bababa sa 7,259 applicants ang na-isyuhan na ng e-Visas.

Ayon sa kagawaran, “The applicants were able to navigate the e-Visa system with general ease and reported positive feedback for its convenience, user-friendliness, and reliability.”

Sinabi ng DFA na ang mga pagpapahusay upang higit pang mapabuti ang karanasan ng user ay isinama na sa sistema ng e-Visa, sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology.

Ang unang e-Visa holder mula sa India ay pumasok sa Pilipinas noong April 13 sa panahon ng e-Visa beta testing, at madaling nakalampas sa immigration counters nang walang aberya.

Dagdag pa ng DFA, “This milestone affirmed the full integration of the e-Visa and the e-Travel registration system in coordination with DICT and the Bureau of Immigration.”

Noong January 2023, ay nagpalabas ng isang policy direktive si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na nag-aatas sa mga ahensiya ng gobyerno na palawigin ang e-visa para sa Chinese at Indian nationals.

Ang buong pagpapatupad ng Philippine e-Visa system ay inihayag bilang susunod na maihahatid ng digital transformation agenda ng Pilipinas, sa State of the Nation Address ng Pangulo noong Hulyo 22, 2024.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *