Impeachment laban kay VP Sara Duterte, huwag nang ituloy – PPBM

Courtesy: Net25 news team

Sa kabila ng nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng pangulo at ng bise presidente, ay tuloy ang mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ngayong Biyernes kung saan nagtungo ito sa lalawigan ng Quezon.

Dinaluhan ng pangulo ang pagpapasinaya sa pinakamalaking flour mill plant sa Sariaya, at ang pamamahagi ng Electronic Titles (E-Titles) at Certificate of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs) sa Lucena City, para sa agrarian reform beneficiaries.

Courtesy: Net25 news team

Aabot sa 11,497 certificates ang naipamahagi sa 9,811 agrarian reform beneficiaries.

Samantala, kinumpirma rin ng pangulo na siya ang nasa likod ng nag-leak na text message sa social media, na nananawagang huwag nang ituloy ang impeachment laban kay VP Sara Duterte.

Ayon sa Pangulo, hindi makatutulong ang impeachment sa bawat Pilipino at pagsasayang lamang ito ng oras na dapat ilaan sa mas mahahalagang usapin, gaya ng paglalatag ng mga proyekto ng gobyerno para sa bansa.

Kasabay ng naturang pahayag, ay pinangunahan ng pangulo ang pagbubukas ng isa sa pinakamalaking flour mill plant sa Barangay Aplaya, Sariaya, Quezon.

Kasama sa pagpapasinaya si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.

Ayon sa punong ehekutibo, bukod sa pagpapanatili ng matatag na food security ng bansa, malaki rin ang maitutulong ng pagpapasinaya sa nasabing pasilidad dahil makapagbibigay ito ng karagdagang trabaho sa maraming residente ng Sariaya, maging ng probinsiya ng Quezon.

Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *