Gas delivery sa Austria sususpendihin ng Russia simula ngayong Sabado
Ipinabatid ng Russia sa Austria, na sususpendihin nito simula ngayong Sabado ang gas deliveries na senyales na sa lalong madaling panahon ay tatapusin na ng Moscow ang pagpapadala ng gas sa Europe.
Ang suspensiyon ay nangangahulugan na ang Russia ay magbibigay na lamang ng kinakailangang dami ng gas sa Hungary at Slovakia, kabaligtaran ng mga dekada ng pangingibabaw kung saan natugunan nito ang 40% ng pangangailangan sa gas ng EU, bago ang Ukraine invasion ng Russia noong 2022.
Ang Austria ang unang western European country na bumili ng Russian gas nang lumagda ang USSR sa isang gas contract noong 1968, ilang buwan lamang bago ang pananakop ng Soviet sa Czechoslovakia.
Ngayong taon, ang relasyon ay matatapos na kasunod ng isang hidwaan sa kontrata sa pagitan ng Gazprom ng Russia at OMV ng Austria.
Sa isang notice na nalathala sa central European gas hub platform, sinabi ng OMV OMVV.VI na ipinabatid sa kanila ng Gazprom GAZP.MM, na ititigil nito ang deliveries ngayong Sabado.
Tumanggi naman ang Gazprom na magkomento.
Ang Austria ay isa sa ilang mga bansa sa Europa na umaasa pa rin sa gas ng Russia, dahil ang karamihan sa natitirang bahagi ng kontinente ay nagbawas na ng importasyon kasunod ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Sinabi ng OMV na pinaghahandaan na nito ang unti-unting paghinto sa importasyon ng Russian gas, at maaari pa rin naman silang magdeliver ng gas sa kanilang customers sa pamamagitan ng pag-import sa Germany, Italy at the Netherlands.
Ayon sa mga analyst sa Eurointelligence, “We still expect this will exacerbate an energy crisis in Austria that has caused its gas demand to drop significantly, and has hit its manufacturing sector. Austria’s economy is currently stuck in recession. Germany is sneezing, and Austria is catching the cold.”
Lubha ring umaasa ang Germany sa Russian gas bago ang giyera, ngunit ang shipments ay nahinto nang pasabugin noong 2022 ang Nord Stream pipelines na nasa ilalim ng Baltic Sea.
Ang notification ng pagtatapos ng supply sa Austria ay nangyari, nang sa unang pagkakataon ay magkausap sa telepono noong December 2022 si Russian president Vladimir Putin at Chancellor Olaf Scholz ng Germany, na siyang pinakamalaking customer ng Russia hanggang sa sakupin ng Moscow forces ang Ukraine.
Sinabi ng Kremlin, na handa ang Russia na pumasok sa isang energy deals kung interesado ang Berlin.
Ayon sa Kremlin, “It was emphasized that Russia has always strictly fulfilled its treaty and contractual obligations in the energy sector and is ready for mutually beneficial cooperation if the German side shows interest in this.”
Ang Hungary ay hindi na masyadong kumukuha ng gas sa pamamagitan ng Ukraine, at nag-iimport na lamang sa pamamagitan ng TurkStream pipeline na nasa kahabaan ng Black Sea bed. Ang Slovakia naman ay kumukuha pa rin ng Russian gas sa pamamagitan ng Ukraine.
Ayon kay EU energy commissioner Kadri Simson sa ginanap na sidelines ng isang UN climate conference sa Azerbaijan, “All EU countries receiving gas via the Ukraine route have access to other supply sources that could fill the gap.”
Aniya, “We have been very clear that alternative supply is available and there is no need for the continuation of Russian gas transiting via Ukraine to Europe.”