Bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, Asahan sa susunod na linggo

Asahan ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, posibleng nasa singkuwenta’y singko hanggang ochenta sentimos ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Sa diesel ay posibleng nasa trenta sentimos ang bawas presyo o posible rin na walang maging paggalaw.

At sa kerosene ay maaaring nasa sampu hanggang trenta sentimos ang rollback.

Isa sa tinitingnang dahilan ng paggalaw sa presyo ay ang naging matatag na presyo ng krudo kasunod ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *