Bilang ng drug users sa bansa, bumaba sa mahigit 1.4m noong 2023 – DDB

Photo courtesy of DDB FB

Bumaba sa tinatayang 1.47 million ang bilang ng mga gumagamit ng iligal na droga sa bansa noong 2023.

Batay ito sa national household survey ng Dangerous Drugs Board (DDB), isang taon matapos ang pagsisimula ng Marcos Government.

Ayon kay DDB Secretary Earl Saavedra, mas mababa ito ng 200,000 mula sa mahigit 1.6 million drugs users sa 2019 survey ng ahensya.

DDB Secretary Earl Saavedra / Photo courtesy DDB website

Aniya, “Ito po ay isang outsourced na data gathering na initiate po ng dangerous drugs board [jump to] tapping more than 12,000 respondents na sumagot po sa ating survey questionnaire.”

Kaugnay nito, inihayag naman ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Spokesperson Laurefel Gabales, na dumami ang mga suplay ng iligal na droga na nasabat ng ahensya sa ilalim ng Marcos Administration o mula July 2022 hanggang September 2024.

Bilang ng mga nasabat na droga ng PDEA mula July 2022 – Sept. 2024

Shabu – 6,466 kilogram (kg)

Cocaine – 75.89 kg

Ecstasy – 115,000+ kg

Marijuana – 5,606 kg

Kush – 1,000 kg

Sinabi ni Gabales, “Dahil sa mas marami tayong nakuhang drugs ngayon compared to the previous yrs i assume to say that bumaba suplay sa street po [jump to] the total value of seized drugs is 49.71 billion pesos.”

Kumpara rin aniya sa unang 18 buwan ng Duterte Administration, ay mas marami ang mga nasabat na droga, isinagawang anti- drug operations at mga nahuling high-value drug personalities, sa unang 18 buwan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Ayon pa kay Gabales, “We have a seizure of 4. 21 tons of shabu which is 62 percent higher compared to the 1st 18 months of PRRD, then we have anti-drugs operations conducted which is 269 higher compared to previous administration, and high value targeted drug personalities which is 78% higher compared to the previous administration.”

Photo courtesy of PDEA website

Sa datos pa ng PDEA, mula sa mahigit 42,000 barangay sa bansa ay nasa 6,292 na lang ang nanatiling drug affected habang drug -free na ang 6,174 barangay.

Drug status ng mga barangay:

29, 211 brgys – cleared

6,174 brgys – drug- free

325 brgys – unaffected

6, 292 brgys – affected

Tiwala naman ang DDB na mas epektibo ang holistic na estratehiya ng kasalukuyang pamahalaan, kung saan pinagtutuunan din ang reformation at treatment ng drug offenders at ang supply ng droga, at hindi lamang ang law enforcement para malabanan ang ipinagbabawal na gamot.

Ani Saavedra, “Evidence-based, nakita naman natin because our first indicator is the result of the 2023 national household survey nung bumaba ang current drug user. Hindi po nililimit sa supply reduction o law enforcement activities alone, inintroduce natin si demand reduction, dinagdagan natin si health, social developmental services which presents a balance holistic and most importantly, may human rights bases approach to address the country’s drug problem.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *