Mga protesta sa Georgia, lumawak

Fireworks explode in front of law enforcement officers during a protest, Tbilisi, December 2, 2024. REUTERS/Irakli Gedenidze

Nagpang-abot ang mga nagpoprotesta at mga pulis sa kabisera ng Georgia, sa ika-apat na sunod na gabi ng demonstrasyon na may mga palatandaan na nadaragdagan ang mga tumututol sa desisyon ng gobyerno na suspindihin ang mga pag-uusap sa European Union (EU).

Ilang buwan nang umiinit ang tensiyon sa pagitan ng ruling Georgian Dream Party at mga kalaban nito, na nag-aakusang ipinagpapatuloy ng partido ang pagiging authoritarian, pagiging anti-Western at pagkiling sa mga polisiya ng Russia.

Ang krisis ay lumala simula nang i-anunsiyo noong Huwebes na ipi-freeze ng gobyerno sa loob ng apat na taon ang mga pag-uusap sa EU, kung saan libu-libong pro-EU demonstrators ang nakipag-away sa mga pulis na armado ng tear gas at water cannon.

Nitong Linggo ay nagtipon ang mga nagpo-protesta sa central Rustaveli Avenue sa Tbilisi, at hinagisan ng fireworks ang mga pulis na rumesponde naman sa pamamagitan ng water cannon.

Pagkatapos ng ilang oras na standoff, ay sinimulan ng mga pulis na itaboy ang mga demonstrador palayo sa parliament building at sa Rustaveli Avenue patungong Tbilisi opera house, at sinimulang maglagay ng mga barikada.

Sinabi ng isang protester na si Nikoloz Miruashvili, “Quite frankly, it’s been very tiring to see that our government does not hear what the people desire. I’m here for a very simple reason, to defend my European future and the democracy of my country.”

Hinimok ng apat na opposition groups ang mga protester, na humingi ng paid leave sa kanilang mga trabaho sa ilalim ng labour code para dumalo sa mga protesta, at hingin sa kanilang employers na bigyan sila ng time off.

Nanawagan naman ang pro-Western President ng Georgia na si Salome Zourabichvili, para i-pressure ang Constitutional Court na ipawalang bisa ang halalan noong isang buwan na pinagwagian ng Georgian Dream.

Kapwa sinabi ng oposisyon at ni Zourabichvili, na ang eleksiyon ay dinaya.

Sa report ng Georgian news agency na Interpress, sinabing hinarangan ng mga demonstrador ang isang access road sa main commercial port ng bansa sa Black Sea city ng Poti.

Iniulat din ng Georgian media ang mga protesta sa hindi bababa sa walong mga siyudad at bayan.

Ipinakita naman ng Opposition TV channel na Formula ang footage ng mga tao sa Khashuri, isang bayan ng 20,000 katao sa central Georgia, na nambabato ng mga itlog sa local Georgian Dream office.

Naalarma naman ang EU at ang Estados Unidos sa kanilang nakikita na pagkiling ng Georgia sa Russia at paglayo sa pro-Western path.

Mahigpit namang binabantayan ng Russia ang mga development. Sinabi ni Security official at dating Russian president na si Dmitry Medvedev, “An attempted revolution was taking place. Georgia was moving rapidly along the Ukrainian path, into the dark abyss. Usually this sort of thing ends very badly.”

Binalewala naman ni Georgian Prime Minister Irakli Kobakhidze ang mga kritisismo ng Estados Unidos, na kumukondeda laban sa paggamit ng “malabis na puwersa” laban sa mga demonstrador.

Ipinagkibit balikat din ni Kobakhidze ang anunsiyo ng Washington, na sinususpinde nito ang partnership sa Georgia. Ito aniya ay isang “temporary event,” at ang Georgia ay makikipag-usap sa bagong administrasyon ni President-elect Donald Trump kapag naupo na ito sa puwesto sa Enero.

Una nang sinabi ni President Zourabichvili na hindi siya bababa kapag natapos na ang kaniyang termino sa susunod na buwan, sa pagsasabing hindi lehitimo ang bagong parliyamento at walang kapangyarihan na pangalanan ang papalit sa kaniya.

Ayon kay Kobakhidze, “I understood Zourabichvili’s “emotional state.” But of course on December 29 she will have to leave her residence and surrender this building to a legitimately elected president.”

Daan-daang diplomats at civil servants ang lumagda sa open letters na nagsasabing ang suspensiyon ng EU talks ay labag sa batas, dahil ito ay nasa saligang batas ng Georgia.

Ayon sa foreign ministry ng Georgia, “Foreign states were trying to interfere in the functioning of the institutions of a sovereign state, and such action was unacceptable.”

Sa matagal na panahon mula nang bumagsak ang Soviet Union noong 1991, naging malakas ang pagkiling ng Georgia sa Kanluran at tinangkang luwagan ang impluwensiya sa kanila ng Russia, kung saan natalo sila sa isang maikling giyera noong 2008. Mula noon ay pinangakuan na ito ng NATO membership, at naging opisyal na kandidato para sa EU entry noong isang taon.

Subalit nangamba ang domestic opponents at Western governments na maigting ang Georgian Dream sa kabila nang kanilang pagtanggi na iwan ang nasabing landas. Noong June ay nagpasa ng batas na nag-oobliga sa non-governmental organisations na magparehistro bilang “foreign agents” kung tumatanggap sila ng mahigit sa 20% ng kanilang pondo mula sa abroad.

Ayon sa gobyerno, ipinagtatanggol nila ang kasarinlan at sinusubukang maiwasan na maranasan ang dinanas ng Ukraine, na madamay sa panibagong giyera sa Russia.

Sinabi naman ng EU foreign policy chief na si Kaja Kallas, na naupo sa puwesto noong Linggo, “We stand with the Georgian people and their choice for a European future.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *