Half cup rice policy, nais muling isulong ng DA
Nais ng Department of Agriculture (DA), na muling isulong ang kanilang half cup rice policy, na humihikayat sa lahat ng mga restaurant sa bansa na magkaroon ng half cup rice option sa mga restaurant at food establishments.
Ito ay para maibsan ang pagsasayang ng itinuturing na staple food ng bansa.
Ayon ay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., nais nilang muling buhayin ang nasabing polisiya, kung saan ang proposal ay hindi lamang compulsory kundi mahikayat na rin ang mga establisimyento laluna ang mga hotel, restaurant at mga karinderya na magkaroon ng ganitong opsiyon.
Magiging daan din ito para mai-promote na rin ang maayos na kalusugan.
Sa data mula sa Philippine Rice Institute o PhilRice, mayroong 255,000 metric tons ng kanin ang nasasayang taun-taon.
Ang nasabing bilang ay kaya nang makapagpakain ng 2.79 milyong Pilipino.
Earlo Bringas