Itinatago ang operasyon ng POGO sa mga resort at resto – DILG

Ginagamit na rin umano ngayon ng mga operator ng mga Philippine Offshore and Gaming Operators ang mga resort at restaurants para itago ang kanilang illegal operations. 

Ayon kay DILG Secretary Jonvic  Remulla, ang mga POGO operators, nagtatayo ng mga resort at restaurants para maipagpatuloy ang kanilang operasyon .

Dahil yan sa nalalapit na deadline ng pagpapasara sa mga POGO hanggang December 15 batay sa utos na ban sa pogo ni Pangulong Bongbong Marcos.

Inihalimbawa ni Remulla ang ni raid na restaurant bar sa Lapu-Lapu sa Cebu kung saan naaresto ang may isandaan at tatlumpung mga dayuhan na hinihinalang sangkot sa pogo scam farm.

Sinabi pa  ng kalihim, iniimbestigahan na nila ang isyu.

Pero umapila siya sa mga local government units na bantayan ang mga restaurants, ktv bar o mga hotels dahil baka nagagamit na rin sa guerilla operations ng mga POGO.

Dapat regular rin aniya ang ginagawang inspeksyon para hindi malusutan ng mga illegal POGO operations .

Ang senado, tatapusin na sa susunod na linggo ang pagdinig sa nadiskubreng illegal pogo operations sa Bamban Tarlac at Porac Pampanga kung saan dawit ang napatalsik na si dating Mayor Alice Guo .

Ayon kay Senador Risa Hontiveros na Chairman ng Senate Committee on Women and Children may mga bago silang impormasyon na nakuha kaugnay sa pagkakaraon ng espiya ng China sa Pilipinas.

Kasama na rito ang guerilla operations ng mga POGO sa pamamagitan ng pagtatago sa mga lehitimong negosyo.

Sa pagdinig ilalatag rin nila ang mga babalangkasing batas para hindi na maulit ang kaso ni Alice Guo at linawin ang inilabas na Executive Order ng Pangulo na tuluyang nagbabawal sa pogo operations sa Pilipinas.

Kabilang sa mga ipapatawag sa pagdinig sa martes sina Alice Guo, Cassandra Li Ong,Tony Yang at mag-amang nahuli sa Cebu POGO hub.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *