Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte idadaan sa tamang proseso ayon sa Kamara
Ibabalanse ng Kamara ang mga prayoridad sa pagtupad ng legislative work at pagtupad sa constitutional duty kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice president Sara Duterte.
Ito ang inihayag ni House Deputy Majority Leader Congressman Jude Acidre sa regular press conference sa Kamara.
Sinabi ni Acidre ang impeachment complaint laban kay VP Sara ay may kaugnayan sa usapin ng accountability bilang isang public official.
Inihayag ni Acidre na maghahabol na ng panahon ang Kamara sa pagharap sa impeachment complaint sa bise presidente dahil sa susunod na taon ay election period na at abala na sa kampanya ang mga Kongresista.
Niliwanag ni Acidre na kung makakalusot ang impeachment case sa Kamara dadaan pa ito sa pagdinig ng Senado bilang impeachment court at pareho din ang problema na kakaharapin dahil sa kakulangan ng panahon.
Vic Somintac